Eilyn Nidea
Si Eilyn "Ayen" Lamadrid Nidea-Parocha isang Bikolanang guro, manunulat, artista sa pelikula, manggagawang pangkultura at nagawaran ng Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon sa kategoryang salaysay (essay) noong 2009. Nagtuturo siya sa Pambansang Paaralan ng Pang-agrikultura asin Pangingisda ng Ragay (RNAFS) sa bayan ng Ragay, Camarines Sur. Siya nagtapos ng kolehiyo sa Pamantasan ng Ateneo de Naga sa Lungsod ng Naga.
Eilyn Lamadrid Nidea-Parocha | |
---|---|
Sagisag-panulat | Eilyn Nidea |
Trabaho | Guro, manunulat |
Wika | Bikol Sentral |
Nasyonalidad | Filipino |
Etnisidad | Bikolano |
Kaurian | Salaysay, tula |
(Mga) kilalang gawa | Buhay-riles |
(Mga) parangal | Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon |
Naging tagapagsanay o trainor siya sa High School sa RNAFS para sa iba-ibang klase ng pagsulat: news writing, editorial, sports news writing at iba pa. Ngayon, siya an nagpapatakbo ng Teatro Ragayano, isang grupo ng mga artista sa entablado na itinayo ni Carlos Arejola.
Miyembro si Nidea ng Parasurat Bikolnon na kung saan naging siyang kritiko mula ng 2013 sa Saringsing Writers Workshop, ang taunang pagsulat ng organisasyon.[1] Bàgo nito, siya naging kalahok sa Juliana Arejola-Fajardo Workshop sa Pagsurat-Bikol sa Lungsod ng Naga ng taon 2012.
Sa ginawang Rimpos: art-literature Exhibition ng Salingoy Art Group, nakatampok ng mga obrang guhit ni Maricris Gomez ang saiyang mga tula. Ginawa ang aktibidad sa Naga City Art Gallery sa Jesse M. Robredo Coliseum noong Mayo 4 hanggang 18, ng 2013. Nagpalabas ng isang aklat na kanyang iniayos laman ang maiikling salaysay tungkol sa mga mangguguhit at manunulat na kasali sa aktibidad, gayon din ang mga larawan at mga panulat na ipinakita sa eksibit.[2][3] Kabali an saiyang erotikang rawitdawit na Pagbaklay sa antolohiyang Ani 38: The Human Body/Ang Katawan na pinagpupublikar kan Sentro Pangkultura kan Filipinas (CCP) kan 2014.[4] Isa din siya sa mga tagapagtayo ng Hagkos Bikolana, isang grupo ng mga babaing manunulat sa Camarines Sur kasama sila Irmina Torres, Marissa Reorizo-Redburn, Lourdes Nieva at iba pa.[5]
Pelikulohiya
baguhinMaliban sa pagiging artista sa entablado, lumabas din si Nidea sa mga independyenteng pelikula simula ng 2013 sa pelikulang Angustia ni Kristian Cordero.[6]
Pelikula
baguhinTaon | Titulo | Pigganapan | Mga tala |
---|---|---|---|
2013 | Angustia | Direktor: Kristian Cordero | |
2016 | Sayaw sa Butal | Alona | Direktor: Vic Nierva |
Sangunian
baguhin- ↑ 4th Saringsing Writers Workshop fellows named Naka-arkibo 2016-08-13 sa Wayback Machine. Panitikan.com.ph
- ↑ Rimpos, an art-literature exhibition, to open in Naga City this May 4[patay na link] Panitikan.com.ph (pighugot 2015-06-27)
- ↑ Salingoy stages Rimpos Art-Lit exhibit[patay na link] Panitikan.com.ph (pighugot 2015-06-27)
- ↑ CCP launches 38th literary journal on 45th year[patay na link] Cultural Center of the Philippine Naka-arkibo 2012-09-26 sa Wayback Machine. (pighugot 2015-06-27)
- ↑ Luzon Delegates Taboan Festival 2014
- ↑ Cordero’s first full length film to premier in Manila and Naga Bicol Mail (pighugot 2015-06-27)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.