Ekonomiks na eksperimental

(Idinirekta mula sa Ekonomikang eksperimental)

Ang ekonomiks na eksperimental (Ingles: experimental economics) ay ang aplikasyon o paglalapat ng mga pamamaraang eksperimental[1] upang pag-aralan ang mga tanong na ekonomiko. Ang datos na ekonomiko na tinitipon sa mga eksperimentao ay ginagamit upang tantiyahin ang sukat ng epekto, subukin ang balidad ng mga teoriyang ekonomiko at liwanagin ang mga mekanismo ng pamilihan. Ang mga eksperimentong ekonomiko ay karaniwang gumagamit ng salapi upang bigyang motibasyon ang mga paksa upang gayahin ang mga tunay na daigdig na mga pabuya. Ang mga eksperimento ay ginagamit upang makatulong sa pag-unawa kung paano at bakit ang mga pamilihan at iba pang mga sistemang palitan ay umasal gaya ng ginagawa ng mga ito. Ang isang pundamental na aspeto ng paksa ang disenyo ng mga eksperimento. Ang mga eksperimento ay maaaring isagawa sa mga eksperimentong larangan o sa mga laboratoryo kahit pa sa pag-aasal pang-indibidwal o pang pangkat.[2] Ang mga uri ng paksa sa labas ng mga saklaw na pormal ay kinabibilangan ng mga eksperimentong natural at quasi-natural.[3]

Mga paksang eksperimental

baguhin

Maaaring maluwag na uriin ang mga ekpserimentong ekonomiko gamit ang mga sumusunod na paksa:

Sa loob ng edukasyong ekonomiko, ang isang aplikasyon ay kinasasangkutan ng mga eksperimentong ginagamit sa pagtuturo ng ekonomika. Ang isang alternatibong pakikitungo sa mga dimensiyong eksperimental ang nakabatay sa ahenteng pagmomodelong komputasyonal.

Mga larong pakikipagtulungan

baguhin

Ang mga larong pakikipagtulungan ang mga laro na may maraming mga purong stratehiyang ekilibrium na Nash. May dalawang mga pangkalahatang hanay ng tanong na karaniwang tinatanong ng mga ekonomista kapag sinusuri ang gayong mga laro: (1) Ang mga paksang laboratoryo ba ay nakikipagtulungan o nag-aaral makipagtulungan sa isa sa maraming mga ekwilibrium at kung gayon, may mga pangkalatang prinsipyo ba na makakatulong na mahulaan kung aling ekwilibrium ang malamang na mapili? (2) Ang mga paksang laboratoryo ba ay nakikipagtulungan o nag-aaral makipagtulungan sa mahusay na Paretong ekwilibrium at kung hindi ay may mga kondisyon ba o mekanismo na makatutulong sa mga paksang makipagtulungan sa mahusay na Paretong ekwilibrium? Ang mga prinsipyong deduktibong seleksiyon ay ang mga pumapayag sa paghula batay sa mga katangian lamang ng laro. Ang mga prinsipyong induktibong seleksiyon ay ang mga pumapayag sa mga paghula batay sa mga paglalarawan ng mga dinamika.

Mga eksperimentong pagkatuto

baguhin

Sa mga laro ng dalawa o higit pang mga manlalaro, ang mga paksa ay kadalasang bumubuo ng mga paniniwala tungkol sa kung anong mga aksiyon ang kinukuha ng ibang mga paksa at ang mga paniniwalang ito ay binabago sa paglipas ng panahon. Ito ay kilala bilang pagkatuto ng paniniwala. Ang mga paksa ay may kagawian ring gumawa ng parehong mga desiyon na nagbigay gantimpala sa mga ito na may malaking mga kabayaran sa nakaraan. Ito ay tinatawag na pagpapalakas na pagkatuto. Simula mga 1990, ang mga simpleng modelong adaptibo gaya ng kompetisyong Cournot o larong piktisyoso ay karaniwang ginagamit. Noong mga gitnang 1990, ipinakita nina Alvin E. Roth at Ido Erev na ang pagpapalakas na pagkatuto ay maaaring gumawa ng mga magagamit na prediksiyon sa mga larong eksperimental. Noong 1999, ipinakilala nina Colin Camerer at Teck Ho ang Experience Weighted Attraction (EWA) na isang pangkalahatang modelo na nagsasama ng pagpapalakas at pagkatuto ng paniniwala at nagpakitang ang larong piktisyoso ay matematikong katumbas ng nilahat ng pagpapalakas sa kondisyong ang mga timbag ay nakalagay sa nakaraang kasaysayan. Ang mga kritisismo ng EWA ay kinabibilangan ng labis na pagkakasya sanhi ng maraming mga parametro, kawalan ng paglalahat sa ibabaw ng mga laro at ang posibilidad na ang interpretasyon ng mga parametrong EWA ay maaaring mahirap. Ang labis na pagkakasya ay tinugunan sa pamamagitan ng pagtatantiya ng mga parametro sa ilang mga panahong eksperimental o mga paksang eksperimental at pagfo-forecast ng pag-aasal sa natitirang sampol(kung ang mga modelo ay labis na nagkakasya, ang mga forecast na wala sa sampol na balidasyong ito ay mas higit na hindi tumpak kesa sa mga nasa sampol na pagkakasya na hindi ang mga ito). Ang paglalahat sa mga laro ay tinutugan sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga nakapirmeng parametro ng mga punsiyong sariling pagaangkop ng karanasan na pumapayag sa mga pseudo parametro na magbago sa loob ng kuro ng isang laro at upang sistematikong mabago sa buong mga laro. Itinaas ni Roberto Weber ang mga isyu ng pagkatuto ng walang feedback. Inimbestigahan nina David Cooper at John Kagel ang mga uri ng pagkatuto sa ibabaw ng mga parehong stratehiya. Tiningan nina Ido Erev at Greg Barron ang pagkatuto sa mga stratehiyang kognitibo. Inilarawan ni Dale Stahl ang pagkatuto sa ibabaw ng mga pakatarang paggawa ng desisyon. Pinag-aralan ni Charles A. Holt ang pagkatutong logit sa iba't ibang mga uri ng laro kabilang ang mga laro na may maraming mga ekwilibrium. Tiningnan ni Wilfred Amaldoss ang mga interesanteng aplikasyon ng EWA sa pagbebenta. Inimbestighan nina Amnon Rapoport, Jim Parco at Ryan Murphy ang nakabatay sa pagpapalakas ng mga modelong pagkatutong adaptibo sa isa sa pinaka pinagdidiwang na mga paradokso sa teoriya ng laro na kilalang larong sentipido.

Mga larong pamilihan

baguhin

Inakalang si Edward Chamberlin ay nagsagawa ng hindi lamang ang unang eksperimento ng pamilihan kundi pati rin ang unang eksperimong ekonomiko ng anumang uri.[6] Sa paghango ni Vernon Smith sa mga akda ni Chamberlin ngunit sa pagbabago rin ng mga mahahalagang aspeto nito ay nagsagawa ng nangungunang mga eksperimentong ekonomiko sa pagtatagpo ng mga presyo at kantidad sa mga halagang teoretikal na kompetetibong ekwilibrium ng mga ito sa mga pamilihang eksperimental.[6] Pinag-aralan ni Smith ang pag-aasal ng mga mamimili at mga tagapagtinda na sinabihan kung gaano pinahahalagahan ng mga ito ang isang komoditad na piktisyoso at pagkatapos ay hiniling na kompetetibong magtakda ng presyo o magtanong sa mga komoditad na ito na sumusunod sa mga patakaran ng iba't ibang mga tunay na daigdig na institusyong pamilihan(e.g. dobleng subasta gayundin ang mga subastang Ingles at Dutch). Natagpuan ni Smith na ang ilang mga anyo ng pakikipagkalakalang sentralisado, mga presyo at kantidad na kinalakal sa gayong mga pamilihan ay nagtatagpo sa mga halaga na mahuhulaan ng teoriyang ekonomiko ng perpektong kompetisyon sa kabila ng mga kondisyong hindi nagtatagpo sa maraming mga pagpapalagay ng perpektong kompetisyon(malaking mga bilang, perpektong impormasyon). Sa loob ng mga taon, pinangunahan ni Smith kasama ng ibang mga kolaborador ang paggamit ng kontrolong mga eksperimentong laboratoryo sa ekonomika at nagtatag nito bilang lehitimong kasangkapan sa ekonomika at iba pang mga larangan. Si Charles Plott ng California Institute of Technology ay nakipagtulungan kay Smith noong mga 1970 at nagpasimula ng mga eksperimento sa agham pampolitika gayundin sa paggamit ng mga eksperimento upang magbigay alam sa disenyong ekonomiko o inhinyerya upang magbigay alam sa mga patakaran. Noong 2002, si Smith kasama ni Daniel Kahneman ay ginawaran ng Gantimpalang Nobel para sa pagtatayo ng mga eksperimentong laboratoryo bilang isang kasangkapan sa empirikal na analisik ekonomiko lalo na sa pag-aaral ng mga alternatibong mekanismo ng pamilihan.

Pinansiya

baguhin

Ang pinansiyang eksperimental ay nag-aaral ng mga pamilihang pinansiyal na may mga layunin ng pagtatayo ng iba't ibang mga kalagayang pamilihan at kapaligiran upang eksperimentong pagmasdan at suriin ang mga pag-aasal ng mga ahento at ang nagreresultang mga katangian ng mga daloy ng kalakaln, pagkalat ng impormasyon at pagtitipon, mekanismong pagtatakda ng presyo at mga prosesong pagbabalik. Sa kasalukuyan, ang mga mananaliksik ay gumagamit ng simulasyong sopwer upang isagawa ang pagsasaliksik ng mga ito. Halimbawa, ang mga eksperimento ay nagmanipula ng asimetriyang impormasyon tungkol sa humahawak na halaga ng isang bono o isang bahagi sa pagpepresyo para sa mga walang sapat na impormasyon upang mapag-aralan ang mga bula ng pamilihan ng stock.

Mga preperensiyang panlipunan

baguhin

Ang terminong mga preperensiyang panlipunan ay tumutukoy sa mga pagkabahala(o kawalan nito) na meron ang mga tao para sa kapakanan ng bawat isa. Ito ay sumasaklaw sa altruismo, pagiging mapanghamak, mga panlasa sa ekwalidad at mga panlasa sa resiprosidad. Ang mga eksperimento sa mga preprensiyang panlipunan ay pangkalahatang nag-aaral ng mga laro kabilang ang larong diktador, larong ultimatum, larong tiwala at larong mga kalakal na publiko at mga modepikasyon ng mga kanonikal na kalagayang ito. Bilang isang halimbawa ng mga resulta, ang mga eksperimentong larong ultimatum ay nagpakitang ang mga tao ay pangkalahatang handa na magsakripisyo ng mga gantimpalang salapi kapag inalukhan ng mas mababang mga paglalaan at kaya ay inkosistenteng umaasal sa mga simpleng modelo ng pansariling interes. Sinukat ng mga eksperimentong ekonomiko kung paanong ang paglihis na ito ay nag-iiba sa iba't ibang mga kultura.

Nakabatay sa ahenteng pagmomodelong komputasyonal

baguhin

Ang nakabatay sa ahenteng pagmomodelong komputasyonal ay isang relatibong kamakailang pamamaraan sa ekonomika na may mga dimensiyong eksperimental.[7] Dito, ang pokus ay sa mga prosesong ekonomiko kabilang ang mga ekonomiya bilang mga sistemang dinamiko ng nag-uugnayang mga ahente na isang aplikasyon ng paradigm na mga sistemang masalimuot na adaptibo.[8] Ang ahente ay tumutukoy sa mga bagay komputasyonal na minodelo bilang nakikipag-ugnayan ayon sa mga patakaran at hindi sa mga tunay na tao.[7] Ang mga ahente ay maaaring kumatawan sa mga entidad na panlipunan o pisika. Sa pagsisimula sa mga inisyal na kondisyong tinukoy ng nagmomodelo, ang modelong ACE ay umuunlad pasulong sa panahon na pinatatakbo lamang ng mga ahenteng nakikipag-ugnayan.[9] Ang mga isyu ay kinabibilangan ng mga karaniwan sa ekonomikang eksperimental sa pangkalahatan[10] at sa paghahambing[11] gayundin ang pag-unlad ng isang karaniwang balangkas para sa balidasyong empirikal at paglutas ng mga bukas na tanong sa nakabatay sa ahenteng pagmomodelo.[12]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Including statistical, econometric, and computational. On the latter see Alvin E. Roth, 2002. "The Economist as Engineer: Game Theory, Experimentation, and Computation as Tools for Design Economics," Econometrica, 70(4), pp. 1341–1378 Naka-arkibo 2012-01-12 sa Wayback Machine..
  2. Vernon L. Smith, 2008a. "experimental methods in economics," The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition, Abstract.
       • _____, 2008b. "experimental economics," The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition. Abstract.
       • Relevant subcategories are found at the Journal of Economic Literature classification codes at JEL: C9.
  3. J. DiNardo, 2008. "natural experiments and quasi-natural experiments," The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition. Abstract.
  4. • Vernon L. Smith, 1992. "Game Theory and Experimental Economics: Beginnings and Early Influences," in E. R. Weintraub, ed., Towards a History of Game Theory, pp. 241- 282.
       • _____, 2001. "Experimental Economics," International Encyclopedia of the Social & Behavioral Sciences, pp. 5100-5108. Abstract per sect. 1.1 & 2.1.
       • Charles R. Plott and Vernon L. Smith, ed., 2008. Handbook of Experimental Economics Results, v. 1, Elsevier, Part 4, Games, ch. 45–66 preview links[patay na link].
       • Vincent P. Crawford, 1997. "Theory and Experiment in the Analysis of Strategic Interaction," in Advances in Economics and Econometrics: Theory and Applications, pp. 206-242. Cambridge. Reprinted in Colin F. Camerer et al., ed. (2003). Advances in Behavioral Economics, Princeton. 1986–2003 papers. Description, contents, and preview., Princeton, ch. 12.
  5. Martin Shubik, 2002. "Game Theory and Experimental Gaming," in Robert Aumann and Sergiu Hart, ed., Handbook of Game Theory with Economic Applications, Elsevier, v. 3, pp. 2327-2351. Abstract.
  6. 6.0 6.1 Ross Miller (2002). Paving Wall Street: experimental economics and the quest for the perfect market. New York: John Wiley & Sons. pp. 73–74. ISBN 0-471-12198-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Scott E. Page, 2008. "agent-based models," The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition. Abstract.
  8. Leigh Tesfatsion, 2003. "Agent-based Computational Economics: Modeling Economies as Complex Adaptive Systems," Information Sciences, 149(4), pp. 262-268. Abstract.
  9. Leigh Tesfatsion, 2006. "Agent-Based Computational Economics: A Constructive Approach to Economic Theory," ch. 16, Handbook of Computational Economics, v. 2, pp. 831-880. Abstract/outline. 2005 prepublication version Naka-arkibo 2017-08-11 sa Wayback Machine..
      • Kenneth Judd, 2006. "Computationally Intensive Analyses in Economics," Handbook of Computational Economics, v. 2, ch. 17, pp. 881- 893.
      • Leigh Tesfatsion and Kenneth Judd, ed., 2006. Handbook of Computational Economics, v. 2. Description & and chapter-preview links.[patay na link]
  10. Vernon L. Smith, 2008b. "experimental economics," The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition. Abstract.
  11. John Duffy, 2006. "Agent-Based Models and Human Subject Experiments," ch. 19, Handbook of Computational Economics, v.2, pp. 949–101. Abstract.
  12. • Leigh Tesfatsion, 2006. "Agent-Based Computational Economics: A Constructive Approach to Economic Theory," ch. 16, Handbook of Computational Economics, v. 2, sect. 5. Abstract and pre-pub PDF Naka-arkibo 2017-08-11 sa Wayback Machine..
       • Akira Namatame and Takao Terano (2002). "The Hare and the Tortoise: Cumulative Progress in Agent-based Simulation," in Agent-based Approaches in Economic and Social Complex Systems. pp. 3- 14, IOS Press. Description Naka-arkibo 2012-04-05 sa Wayback Machine..
       • Giorgio Fagiolo, Alessio Moneta, and Paul Windrum, 2007 "A Critical Guide to Empirical Validation of Agent-Based Models in Economics: Methodologies, Procedures, and Open Problems," Computational Economics, 30(3), pp. 195[patay na link]–226.