Ekonomikang pangkalusugan
Ang ekonomiks na pangkalusugan o ekonomiks ng kalusugan (Ingles: health economics) ay isang sangay ng ekonomiks na nakatuon sa mga paksang may kaugnayan sa pagkamabisa, kahusayan, halaga at ugali sa produksiyon at pagkonsumo ng kalusugan at pangangalagang pangkalusugan. Ang ekonomiks na pangkalusugan ay isang mahalagang kasangkapan para sa pagpapabuti ng impormasyon na pinagbabatayan ng mga pagpapasya hinggil sa pangangalaga ng kalusugan. Nakakatulong ito sa pagbibigay ng kabatiran at nakapagpapainam sa pagpapasiya.[1] Pinag-aaralan ng mga ekonomistang pangkalusugan ang pagtakbo ng mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan pati na mga ugaling nakakaapekto sa kalusugan; at sinisiyasat at tinitimbang din nila ang maraming mga uri ng impormasyong pampananalapi: mga halaga o presyo, at mga gastusin o gugulin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ What is health economics?, NPR09/11017, Abril 2009
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalusugan at Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.