Ekspedisyon sa Laponia

Ang Ekspedisyon sa Laponia, ang kahila-hilagaang rehiyon sa Suwesya, ni Carl Linnaeus noong 1732 ay isang mahalagang bahagi ng kanyang karerang pang-agham.

Si Linnaeus na nakasuot ng tradisyonal na damit ng mga taong Sami ng Laponia,[note 1] at may hawak na linnaea borealis na naging kanyang pansariling sagisag.
Ang kontemporaryong mapa ni Johann Homann (nakalimbag noong 1730) na naglalarawan sa rehiyong Iskandinabya ng Europa; ang Laponia ay ang lugar na maputlang dilaw sa itaas na gitna. [note 2]
Ang mga tsekpoint[1] ng ekspedisyon sa Laponia ni Linnaeus.[note 3]

Umalis mula sa Uppsala si Linnaeus at naglakbay nang pakanan sa paligid ng baybayin ng Gulpo ng Bothnia sa loob ng anim na buwan, kung saan pumasok siya paloob ng bansa mula sa Umeå, Luleå at Tornio. Ang kanyang mga obserbasyon ay naging batayan ng kanyang aklat na Flora Lapponica (1737) kung saan unang ginamit ang mga ideya ni Linnaeus tungkol sa mga katawagan at pag-uuri sa praktikal na paraan.[2] Itinago ni Linnaeus ang talaarawan ng kanyang ekspedisyon na unang inilathala nang postumo bilang salin sa Ingles na pinamagatang Lachesis Lapponica: A Tour in Lapland (1811).

Sanligan

baguhin

Noong Abril 1732, binigyan si Linnaeus ng kaloob mula sa Makaharing Lipunan ng Agham sa Uppsala para sa kanyang biyahe. Naka-ekspedisyon na si Olof Rudbeck ang Mas Bata, isa sa mga dating propesor ni Linnaeus sa Unibersidad ng Uppsala, sa Laponia noong 1695, ngunit nawala sa apoy ang detalyadong resulta ng kanyang paggalugad pagkatapos ng pitong taon. Umasa si Linnaeus na makahanap ng mga bagong halaman, hayop at posibleng mahalagang mineral. Naging interesado rin siya tungkol sa mga kaugalian ng mga katutubong Sami, ang mga taong lagalag na nagpapastol ng reyndir na naglalakbay sa malawak na tundra ng Iskandinabya.[3][4]

Mula Uppsala hanggang Umeå

baguhin

Sinimulan ni Linnaeus ang kanyang ekspedisyon mula sa Uppsala noong Mayo; naglakbay siya sa pamamagitan ng paa at kabayo, at idinala niya ang kanyang talaarawan, mga manuskritong botaniko at ornitolohiko, at mga piraso ng papel pampiga ng mga halaman. Kinailangan niya ng 11 araw upang abutan ang Umeå, sa pamamagitan ng Gävle (malapit sa lugar kung saan natagpuan niya ang napakaraming Campanula serpyllifolia na kilala rin bilang Linnaea borealis, ang twinflower na magiging paborito niya).[5] Minsan, bumaba siya upang magsuri ng bulaklak o bato[6] at naging lalong interesado sa mga lumot at layken, ang ikalawa ay pangunahing bahagi ng diyeta ng reyndir, isang karaniwang hayop sa Laponia.[7]

Unang ekspedisyon paloob ng lupain

baguhin

Mula sa Umeå, tumungo si Linneaus papunta sa Lycksele, isang bayang mas malayo sa baybayin kaysa sa mga nilakbayan niya hanggang noon at sinuri ang mga ibon-tubig sa daan. Pagkaraan ng limang araw, nakarating siya sa bayan at nagtira kasama sa pastor at asawa.[5] Pagkatapos, tinangka niyang makarating sa Sorsele ngunit kinailangan niyang lumingon sa isang lugar na tinawag na Lyckmyran ("masuwerteng bana") dahil sa mga napakahirap naa kondisyon.[8] Sa simula ng Hunyo, bumalik siya sa Umeå pagkatapos magtira nang mga karagdagang araw sa Lyckele at mag-aral ng higit pa tungkol sa mga kaugalian ng Sami.[9] (Tingnan ang Tablut)

Umeå patungong Luleå at pangalawang ekspedisyon paloob ng lupain

baguhin

Pagkabalik sa Umeå, naglakbay pa siya sa hilaga sa may baybayin ng Golpo ng Bothnia, sa pamamagitan ng Skellefteå at Lumang Piteå, at nakadaan sa Lumang Luleå kung saan nakatanggap siya ng gora ng babaeng Sami sa daan.[10] Mula sa Luleå, muli siyang naglakbay paloob ng lupain, kasunod ng Ilog Lule sa pamamagitan ng Jokkmokk sa bilog ng Artiko at Kvikkjokk (at Hyttan pagakatapos), papunta sa Bulubunduking Eskandinabo, tumawid ng hangganan papunta sa Norwega, na dumarating sa Sørfold sa baybayin at nagbiyahe sa Rörstadt, isang kalapit na lugar. Pagkatapos, dumaan siya muli sa ruta niya papunta, humigit-kumulang 300 kilometro (190 mi) pabalik sa Luleå.[11]

Luleå patungong Tornio, pangatlong ekspedisyon paloob ng lupain at pagbalik sa Uppsala

baguhin

Ipinagpatuloy ni Linnaeus ang kanyang biyahe sa may baybayin patungong Tornio (Torneå sa Suweko), kung saan ginawa niya ang kanyang pangatlong at pangwakas na ekpedisyon paloob ng lupain mula ang Ilog Torne hanggang sa Vittangi. Naglaan siya ng ilang oras sa pook ng Tornio; sa Kalix nakatanggap siya ng mga panuto sa pagsusuri ng metal. Sa kalagitnaan ng Setyembre, sinimulan niya ang kanyang paglalakbay pabalik. Sa pamamagitan ng pagdaan sa Kemi, sinundan niya ang baybaying Finlandes papunta sa Turku (Åbo sa Suweko), kung saan siya ay naglayag sa mga Kapuluan ng Åland, nakarating sa Suwesya sa Grisslehamn at sa Uppsala sa wakas.[12]

Mga kinalabasan

baguhin

Nakabalik siya mula sa kanyang anim-na-buwang, mahigit sa 2,000 kilometrong (1,200 mi) ekspedisyon noong 10 Oktubre na nakatipon at nakaobserba ng mararaming mga halaman, ibon at bato.[13][14][15] Kahit limitado ang biodibersidad ng Laponia, nakalarawan si Linnaeus ng halos isang daang halaman na hindi pa nailarawan. Naging batayan ang mga detalye ng kanyang mga natuklasan ng kanyang aklat na Flora Lapponica.[16]

Isinalin sa Ingles ni James Edward Smith ang salaysay ni Linnaeus tungkol sa biyahe, Iter Lapponicum [17] at inilathala noong 1811 bilang Lachesis Lapponica: A Tour in Lapland. Ang ilan sa mga orihinal na guhit ni Linnaeus:

Mga tala

baguhin
  1. For a full view of the clothing and drum, see File:Carl Linnaeus dressed as a Laplander.jpg
    Regarding the Sami drums and their religion, Blunt (2001; Pages 45 and 54) recounts two anecdotes from Linnaeus' Lapland expedition: Linnaeus showed a Sami some of his highly accurate drawings of wildlife; the man "was alarmed at the sight, took off his cap, bowed, and remained with head down and his hand on his breast as if in veneration, muttering to himself and trembling as if he were just going to faint." This was because "he thought the drawings magical, like those on the drums of his own country, and Linnaeus a wizard." At another time, Linnaeus was "told that when a [Sami] refused to surrender objects of his religion such as his magic drum or his idols to the missionaries, his coat would be removed and he would be held down while the main artery in his arm was opened; he was then left to bleed until he had promised to come to heel – a procedure, says Linnaeus, that was 'often successful'."
  2. In 1809 Lapland was split between Sweden and the newly formed Grand Duchy of Finland; for the region traditionally inhabited by the Sami people which stretched from Norway to Russia, see Sápmi (area).
  3. See also this map Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. showing Linnaeus' travels during his Lapland expedition via [1] from Linné, Carl von. 1991. Lappländische Reise und andere Schriften. Leipzig.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blunt (2001) Pages 41–65
  2. Frodin, David 2002. Guide to Standard Floras of the World, 2nd ed. Cambridge University Press: Cambridge. p. 27.
  3. Anderson (1997) Pages 42–43
  4. Blunt (2001) Page 38
  5. 5.0 5.1 Blunt (2001) Pages 42–43
  6. Anderson (1997) Pages 43–44
  7. Anderson (1997) Page 46
  8. Blunt (2001) Pages 47–51
  9. Blunt (2001) Pages 45–47
  10. Anderson (1997) Pages 50–51
  11. Blunt (2001) Pages 55–56
  12. Blunt (2001) Pages 64–65
  13. Blunt (2001) Pages 63–65
  14. Blunt (2004) Pages 39–42
  15. Broberg (2006) Page 29
  16. Stöver (1974) Pages 38–39
  17. https://archive.org/details/ungdomsskrifter02linne

Bibliograpiya

baguhin
  • Anderson, Margaret J. (1997). Carl Linnaeus: father of classification. United States: Enslow Publishers. ISBN 978-0-89490-786-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Blunt, Wilfrid (2001). Linnaeus: the compleat naturalist. London: Frances Lincoln. ISBN 0-7112-1841-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  • Blunt, Wilfrid (2004). Linnaeus: the compleat naturalist. London: Frances Lincoln. ISBN 0-7112-2362-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Broberg, Gunnar (2006). Carl Linnaeus. Stockholm: Swedish Institute. ISBN 91-520-0912-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Linnaeus, Carl (1811). Lachesis Lapponica: A Tour in Lapland. Tr. James Edward Smith. London: White and Cochrane.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Stöver, Dietrich Johann Heinrich (1794). Joseph Trapp (pat.). The life of Sir Charles Linnæus. London: Library of Congress. ISBN 0-19-850122-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin