Pagsubok ni Griffith
Ang pagsubok ni Griffith o eksperimento ni Griffith, na isinigawa ni Frederick Griffith noong 1928, ay isa sa mga pinakaunang pagsubok o eksperimento na nagmumungkahing may kakayahan ang mga bakterya sa paglilipat ng impormasyong henetiko sa pamamagitan ng prosesong transpormasyon (pagbabago o pagsasalin sa kasong ito).[1][2]
Gumamit si Griffith ng dalawang halimbawa (strain sa Ingles, sa kasong ito) ng pneumococcus (na lumulusob sa katawan ng mga daga), isang tipong III-S (makinis) at tipong II-R (maligasgas o magaspang). Pinapalibutan ng halimbawang III-S ang sarili ng mga kapsulang polysaccharide na nagsasanggalang dito laban sa sistemang imyuno ng nilusob na katawan, na nagiging sanhi ng pagkamatay ng katawang nilusob, habang walang kapsulang ganito ang II-R kaya't nagagapi ng sistemang imyuno ng nilusob na katawan.
Sa eskperimentong ito, napatay ng init ang mga bakterya mula sa halimbawang III-S, at idinagdag ang kanilang mga labi sa bakteryang II-R. Bagamang wala kahit sa sino sa dalawa ang nakapinsala sa mga daga, nakayang paslangin ng pagsasama ang nilusob na katawan. Naisagawa rin ni Griffith ang paghihiwalay ng kapwa mga buhay na mga halimbawa ng II-R at ng III-S na mga pneumococcus mula sa dugo ng mga patay na dagang ito. Nilagom ni Griffith na "nabago" ang II-R na naging nakamamatay na halimbawang III-S sa pamamagitan ng "prinsipyo ng pagbabago" na naging tila bahagi ng patay na halimbawa ng bakteryang III-S.
Sa kasalukuyan, nalalaman natin na ang "prinsipyo ng pagbabago" na napagmasdan ni Griffity ay ang DNA ng halimbawang bakterya ng III-S. Bagaman namatay ang bakterya, nakaligtas ang DNA mula sa proseso ng pagdadarang sa init at nakuha ng halimbawang bakterya ng II-R. Naglalaman ang DNA ng halimbawang III-S ng mga hene (gene) na bumuo sa nakapanananggalang na kapsulang polysaccharide. Dahil may hawak na ganitong hene, napuprotektahan na ang dating halimbawang II-R mula sa sistemang imyuno ng nilusob na katawan at may kakayahang patayin ang katawang nilusob. Napatunayan sa mga eksperimentong isinagawa nina Avery, McLeod at McCarty ang tiyak na kalikasan ng prinsipyo ng pagbabago (DNA) at nina Hershey at Chase.
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ Lorenz MG, Wackernagel W (1994). "Bacterial gene transfer by natural genetic transformation in the environment". Microbiol. Rev. 58 (3): 563–602. PMID 7968924.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Downie AW (1972). "Pneumococcal transformation--a backward view. Fourth Griffith Memorial Lecture (Ikaapat na Panayam na Pangalaala para kay Griffith)". J. Gen. Microbiol. 73 (1): 1–11. PMID 4143929.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
baguhin- Avery, MacLeod, and McCarty (1944). "Studies on the Chemical Nature of the Substance Inducing Transformation of Pneumococcal Types: Induction of Transformation by a Desoxyribonucleic Acid Fraction Isolated from Pneumococcus Type III". Journal of Experimental Medicine. 79 (1): 137–58. doi:10.1084/jem.79.2.137.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
- (Sumangguni sa orihinal na pagsubok na ginawa ni Griffith. Matatagpuan dito ang orihinal na lathalain Naka-arkibo 2008-06-29 sa Wayback Machine. at ika-35 muling paglalathala noong kaarawan ng eksperimento.)
- Daniel Hartl and Elizabeth Jones (2005). Genetics: Analysis of Genes and Genomes, Ika-6 na edisyon. Jones & Bartlett.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) 854 pahina. ISBN 0-7637-1511-5.