Rodentia

(Idinirekta mula sa Daga)


Ang Rodent o Rodentia ay isang orden ng mga mamalyang kilala rin bilang mga rodent (mga "wangis-daga", "anyong daga", "itsurang daga", o "hitsurang daga") sa Ingles, na may katangian ng pagkakaroon ng nagpapatuloy na lumalaking mga ngiping pantaga o panghiwa (mga incisor) sa pang-itaas at pang-ibabang mga panga na dapat mapanatiling maiikli sa pamamagitan ng pagngatngat, pagkagat, pagngasab, o pagpungos.[1][2]

Rodentia
Temporal na saklaw: Late Paleocene – recent
Clockwise from top left: capybara, springhare, golden-mantled ground squirrel, house mouse and North American beaver representing the suborders Hystricomorpha, Anomaluromorpha, Sciuromorpha, Myomorpha, and Castorimorpha, respectively.
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Klado: Simplicidentata
Orden: Rodentia
Bowdich, 1821
Suborders
Combined range of all rodent species (not including introduced populations)
Northern Luzon Giant Cloud Rat, isang malaking rodentia na matatagpuan sa Pambansang Museo.

Apatnapung bahagdan ng mga uring mamalya ang kabilang sa Rodentia, at matatagpuan sa maraming mga bilang sa lahat ng mga kontinent bukod pa sa Antartika. Kabilang sa mga pangkaraniwang mga daga ang bubuwit o maliit na daga (mouse), malalaking mga daga (mga rat), iskuwirel, tsipmunk, goper, porkupina, kastor, hamster, gerbil, "baboy-Guinea", degu, tsintsila, aso ng parang, at baboy-panglupa.[1] May matatalim na mga ngiping pangtaga ang mga daga na ginagamit nila sa pagkagat ng kahoy, pagputol ng pagkain, at pagkagat sa maninilang mga hayop. Karamihan sa kanila ang kumakain ng mga buto ng mga halaman o ng mga halaman, bagaman mayroon din silang sari-saring mga pagkain. May ilang mga uring, batay sa kasaysayan, na naging mga salot o peste, na kumakain ng mga butil o butong inimbak ng mga tao at nagkakalat din ng mga sakit o karamdaman kagaya ng leptospirosis.


Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "rodent - Encyclopedia.com". Nakuha noong 2007-11-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Rodents: Gnawing Animals". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-18. Nakuha noong 2007-11-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.