Pagtatalik na ekstramarital

(Idinirekta mula sa Ekstramarital na pakikipagtalik)

Ang pagtatalik na ekstramarital (Ingles: extramarital sex) ay ang pakikipagtalik na nagaganap sa labas ng kasal, iyong kapag ang isang taong kasal na sa ibang tao ay nakilahok sa gawaing seksuwal sa ibang tao na hindi niya asawa sa pamamagitan ng kasal. Kapag ang ugnayang ugnayan na nasa labas ng kasalan ay lumabag sa pamantayang seksuwal na pangingilos, ito ay maaari ring tawaging pangangalunya, pakikiapid, pornikasyon (pakikipagtalik na hindi kasal), pambababae (kadalasang kung lalaki ang nakikiapid o gumaganap na babaero) o panlalalaki (kadalasang kung babae ang may gawa ng pagiging lalakero) (isang uri ng pagbibiro sa pag-ibig), o paglililo o pagliliho (pagtataksil sa asawa). Ang mga katawagang ito ay maaaring magdala ng mga kahatulang pangmoralidad o panrelihiyon at mga kahihinatnan sa batas na sibil o pangpananampalataya.


Seksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.