Huwag itong ikalito sa eulohiya.

Sa panitikan, ang isang elehiya ay isang tula ng seryosong pagninilay-nilay, na kadalasang panaghoy para sa namatay. Bagaman, "para sa lahat ng kanyang paglaganap ... lubhang nanatiling hindi malinaw ang kahulugan ng 'elehiya': minsan ginagamit bilang panlahat upang italaga ang mga teksto ng isang malungkot o pesismistang tono, minsan isang palatandaan para sa tekstuwal na papanatilihing-buhay, at minsan istriktong tanda para sa panaghoy para sa namatay."[1]

Kasaysayan

baguhin
 
Elehiya na Sinulat sa isang Nayong Bakuran ng Simbahan, ilustrasyon ni William Blake.

Ang Griyegong katawagan na elegeia (Griyego: ἐλεγεία; mula sa ἔλεγος, elegos, "panaghoy")[2] ay orihinal na tinutukoy sa kahit anumang tula na sinulat sa kambal na elehiyako at sinasakop ang isang malawak na paksa (kamatayan, pag-ibig, digmaan). Kabilang din sa katawagan ang epitapiyo, malungkot at kahapis-hapis na mga awitin,[3] at mga tulang paggunita.[4] Ang elehiyang Latin ng sinaunang panitikang Romano ay madalas erotika o mitolohikal sa kalikasan. Dahil sa estruktural na potensyal para sa mga retorikang epekto, ginagamit din ang kambal na elehiyako sa parehong makatang Griyego at Romano para sa palabiro, patawa at satirikong paksa.

Maliban sa epitapiyo, kabilang sa mga halimbawa ng mga sinaunang elehiya bilang isang tula ng pagluluksa ang Carmen 101 ni Catullus, para sa kanyang patay na kapatid, at mga elehiya ni Propertius para sa kanyang namatay na kerida na si Cynthia at isang matriarka ng prominenteng pamilyang Cornelia. Nagsulat si Ovid na tumatangis sa kanyang pagkatapon, na hinantulad niya sa isang kamatayan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Weisman, Karen, pat. (2012). "Book: The Oxford Handbook of the Elegy". Oxford Index (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Nakuha noong 13 Agosto 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sang-ayon kayR. S. P. Beekes: "The word is probably Pre-Greek" (Etymological Dictionary of Greek, Brill, 2009, p. 404). (sa Ingles)
  3. Nagy G. "Ancient Greek elegy" in The Oxford Handbook of the Elegy, ed. Karen Weisman. Oxford: Oxford University Press, 2010, pp 13-45 (sa Ingles).
  4. Cuddon, J. A.; Preston, C. E. (1998). The Penguin Dictionary of Literary Terms and Literary Theory (sa wikang Ingles) (ika-4 (na) edisyon). London: Penguin. pp. 253–55. ISBN 9780140513639.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)