Si Elene Virsaladze,[a] na kilala rin bilang EB Virsaladze (Heorhiyano: ელენე ვირსალაძე; Enero 3, 1911 - 1977) ay isang kilalang Herohiyanong folkloristang kilala sa kaniyang malawak na pagsulat at gawaing lapat.[1] Ang kanyang mga gawa ay isinalin sa Ruso, Pranses, Aleman, at Ingles.[2]

Talambuhay

baguhin

Si Virsaladze ay ipinanganak sa ekonomistang si Bagrat Virsaladze at botanikong si Elene Muskhelishvili noong Enero 3, 1911.[2][3] Siya ang bunso sa tatlong anak.[kailangan ng sanggunian] Noong sampung taong gulang si Virsaladze, sinalakay ng Pulang Hukbo ang Georgia. Nais ng kaniyang ama na tumakas sa Europa upang makatakas sa pananakop, kung saan pareho silang nag-aral ng kaniyang asawa, ngunit tumanggi ang kaniyang asawa na umalis sa Georgia.[kailangan ng sanggunian]

Si Virsaladze ay nagtapos ng mataas na paaralan sa Georgia at lumipat sa Pamantasang Estatal ng Tbilisi (Tbilisi State University o TSU), kung saan siya ay tinuruan ng folkloristang si Vakhtang Kotetishvili.[kailangan ng sanggunian] Nag-aral siya ng tradisyong-pambayan at pilolohiya at nagtapos noong 1930.[2][4] Noong 1931, pinakasalan niya si Shalva Khidasheli, na kalaunan ay nakilala bilang isang iskolar ng pilosopiya.[4] Noong 1935, nagtapos siya mula sa faculdad ng Panitikan, Wika, and Pilospiya sa Pamantasang Estatal ng San Petersburgo sa San Petersburgo, Rusya.[2] Ipinagtanggol niya ang kanyang thsis, "Ang Henesis ng Tradisyong-Pambayang Heorhiyano," noong 1936.[4] Noong taon ding iyon, bumalik siya sa Tbilisi upang magtrabaho sa TSU, nagturo sa tradisyong-pambayan ng daigdig, partikular sa Rusong tradisyong-pambayan.[2][4] Nanganak din niya ang kaniyang nag-iisang anak, ang kaniyang anak na si Manana.[4]

Parehong ang kaniyang ama at ang kaniyang tagapagturo na si Kotetishvili ay pinatay noong 1937. Si Virsaladze ay ipinatapon sa Malayong Silangan hanggang 1943, nang siya ay pinahintulutan na bumalik sa Georgia. Ipinadala siya sa Gori, kung saan siya nanatili hanggang 1948, nang siya ay pinayagang bumalik sa Tbilisi. Nagtrabaho siya sa Suriang Shota Rustaveli ng Panitikang Heorhiyanong at ipinagtanggol din ang kanyang doktorado roon.[kailangan ng sanggunian]

Naging propesor si Virsaladze sa TSU ilang sandali matapos makuha ang kanyang titulo ng doktor.[5] Noong 1974, sumali siya sa Samahang Pandaigdigang Naratibong Kuwentong-Pambayan at lumahok sa mga pandaigdigang kumperensoya.[2][5] Noong 1976 siya ay ginawang pinuno ng Departamento ng Tradisyong-Pambayan sa TSU.[2][5] Namatay siya noong 1977.[2]

Karerang pang-akademiko

baguhin

Si Virsaladze ay naglathala ng higit sa isandaang mga gawa sa panahon ng kaniyang karera sa akademiko.[kailangan ng sanggunian] Gumawa siya ng mga ekspedisyon sa larangan sa buong 1950s, 60s at 70s, nangongolekta at nagtala ng mga pasalitang tradisyon ng mga tao sa buong Georgia.[kailangan ng sanggunian] Ang Suring Shota Rustaveli ay nagpapanatili ng koleksiyon ng mga recording na audio at transcript ng impormasyong nakolekta niya sa kaniyang mga paglalakbay.[kailangan ng sanggunian]

Talababa

baguhin
  1. Sometimes transliterated as Elena Virsaladze

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hunt, David (2017). "Biography of Elene Virsaladze". Sa Khukhunaishvili-Tsiklauri, Mary; Abashidze, Elene (mga pat.). Georgian hunting myths and poetry (PDF). Georgian National Academy of Sciences. pp. 7–8. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-06-12. Nakuha noong 2019-02-07.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 "ივანე ჯავახიშვილის სახელობის თბილისის სახელმწიფო უნივერსიტეტი". ივანე ჯავახიშვილის სახელობის თბილისის სახელმწიფო უნივერსიტეტი (sa wikang Georgian). Nakuha noong 2019-02-07.
  3. Hunt, David (2017). "Biography of Elene Virsaladze". Sa Khukhunaishvili-Tsiklauri, Mary; Abashidze, Elene (mga pat.). Georgian hunting myths and poetry (PDF). Georgian National Academy of Sciences. pp. 7–8. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-06-12. Nakuha noong 2019-02-07.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Hunt, David (2017). "Biography of Elene Virsaladze". Sa Khukhunaishvili-Tsiklauri, Mary; Abashidze, Elene (mga pat.). Georgian hunting myths and poetry (PDF). Georgian National Academy of Sciences. pp. 7–8. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-06-12. Nakuha noong 2019-02-07.
  5. 5.0 5.1 5.2 Hunt, David (2017). "Biography of Elene Virsaladze". Sa Khukhunaishvili-Tsiklauri, Mary; Abashidze, Elene (mga pat.). Georgian hunting myths and poetry (PDF). Georgian National Academy of Sciences. pp. 7–8. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-06-12. Nakuha noong 2019-02-07.