Elijah Parish Lovejoy

Para sa kapatid ni Elijah Parish Lovejoy, tingnan ang Owen Lovejoy.

Si Elijah Parish Lovejoy[1] (9 Nobyembre 1802 – 7 Nobyembre 1837) ay isang Amerikanong Presbiteryanong ministro, tagapamahayag at patnugot ng pahayagan, na pinatay ng mga mamamayan sa Alton, Illinois dahil sa kaniyang mga abolisyonistang pananaw. Kapatid niya ang kongresistang si Owen Lovejoy.[1]

Elijah Parish Lovejoy
Kapanganakan9 Nobyembre 1802
  • (Kennebec County, Maine, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan7 Nobyembre 1837
  • (Madison County, Illinois, Estados Unidos ng Amerika)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomamamahayag, editor
Pirma

Talambuhay

baguhin

Isang kleriko si Elijah P. Lovejoy, na nagtataguyod ng mga gawaing pang-abolisyonismo habang patnugot ng pahayagang Alton Observer sa Alton, Illinois. Siya ang nagtatag ng tsapter ng samahang American Anti-Slavery Society (Lipunang Laban sa Pangaalipin ng Amerika)doon. Binaril siya habang ipinagsasanggalang ang kaniyang palimbagan laban sa mga mapanantalang gawain ng mga mamamayan.[1]

Sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Lovejoy brothers, Elijah Parish Lovejoy, Owen Lovejoy". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin

Panlabas na kawing

baguhin