Si Eliot Laurence Spitzer (isinilang 10 Hunyo 1959) ay isang Amerikanong abogado at politiko ng Partidong Demokratiko. Naglingkod siya bilang Abogado Heneral bago naging Gobernador ng New York noong 2007.

Eliot Spitzer
54th Gobernador ng New York
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
1 Enero 2007
TinyenteDavid Paterson
Nakaraang sinundanGeorge Pataki
72nd Abogado Heneral ng Estado ng New York
Nasa puwesto
1 Enero 1999 – 31 Disyembre 2006
GobernadorGeorge Pataki
Nakaraang sinundanDennis Vacco
Sinundan niAndrew Cuomo
Personal na detalye
Isinilang (1959-06-10) 10 Hunyo 1959 (edad 65)
Bronx, New York
KabansaanAmerikano
Partidong pampolitikaDemokratiko
AsawaSilda Wall Spitzer
Anak3
TahananEhekutibong Mansiyon ng Estado ng New York
Manhattan, New York
Alma materPamantasang Princeton
Paaralan ng Batas ng Harvard
PropesyonAbogado

Ipinanganak at lumaki si Spitzer sa Bronx ng Lungsod ng New York. Nag-aral muna siya sa Pamantasang Princeton, at pagkatapos sa Pamantasan ng Harvard para mag-aral ng batas. Sa Harvard niya nakatagpo ang kaniyang magiging asawang si Silda Wall Spitzer, ang nagtatag ng Children for Children, isang hindi-pangkalakal na samahan. Matapos matanggap ang kaniyang titulong Juris Doctor, sumali siya sa kompanyang pang-abugasyang Paul, Weiss, Rifkind, Wharton & Garrison. Pagkalipas ng dalawang taon, sumapi naman siya sa tanggapan ng abogadong pangdistrito ng Manhattan, na pinamumunuan ni Robert M. Morgenthau, para usigin ang sindikato ng mga kriminal. Noong 1992, inilunsad niya ang isang matagumpay na imbestigasyon na sumira sa kapangyarihan ng pamilyang Gambinong lumulukob sa industriya ng mga pananamit at pagtatrak ng Manhattan. Sa mga sumunod na anim na taon, naghanapbuhay siya sa mga tanggapang pambatas ng Skadden, Arps, Slate, Meagher & Flom at Constantine and Partners. Noong 1998, tinalo niya ang nakaupong Republikanong si Dennis Vacco, ng ilang maliit na boto lamang, at naging nahalal na Attorney General ng Estado ng New York.

Pagkagobernador

baguhin

Iskandalo kaugnay ng prostitusyon

baguhin

Noong 10 Marso 2008, ibinalita ng The New York Times na tinangkilik ni Spitzer ang serbisyo ng Emperors Club VIP, isang kompanyang pamprostitusyon, noong gabi ng Febrero 13, 2008 [1] at nakipagtagpo sa isang hostes na nagkakahalaga ng $1,000-bawat-oras. Nagtagal ang pagsasama nila ng may higit sa dalawang oras[2] sa loob ng silid na may bilang na 871 ng Mayflower Hotel sa Washington, D.C., kung saan nakatala ang tunay na pangalan ni Spitzer at maging ang kaniyang adres sa Fifth Avenue, Manhattan.[3][4][5]

Noong 12 Marso 2008, nagpasyang magretiro si Spitzer dahil sa kontrobersiya. Papalitan siya ni David A. Paterson, ang kasalukuyang Tenyente Gobernador ng New York.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Feuer, Alan (2008-03-07). "Four Charged With Running Online Prostitution Ring". The New York Times.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Post Chronicle (2008-03-11). "Emperor's Club Call Girl Photos: Client No. 9, Eliot Spitzer's Fall". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-13. Nakuha noong 2008-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. CNN (2008-03-10). "Sources: Spitzer under prostitution investigation". Nakuha noong 2008-03-10. {{cite web}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hakim, Danny; William K. Rashbaum (10 Marso 2008). "Spitzer Is Linked to Prostitution Ring". N.Y. / Region. The New York Times. Nakuha noong 2008-03-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cohen, Laurie P. at Amir Efrati. Spitzer Engulfed in Sex Scandal, The Wall Street Journal, 11 Marso 2008, Pahina A1
  6. Spitzer Resigns, Citing Personal Failings, NYTimes.com, 12 Marso 2008
 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito: