Emiliano Zapata
(Idinirekta mula sa Emiliano Zapata Salazar)
Si Emiliano Zapata Salazar (pagbigkas sa wikang Kastila: [emiˈljano saˈpata]; 8 Agosto 1879 – 10 Abril 1919) ay isang pangunahing pigura sa Rebolusyong Mehikano, na nagsimula noong 1910, at unang nakatuon laban sa pangulong si Porfirio Díaz. Binuo at pinamunuan ni Zapata ang isang mahalagang puwersang panghimagsikan na nakikilala bilang Hukbong Pampalaya ng Katimugan, noong panahon ng Himagsikang Mehikano. Ang mga tagasunod ni Zapata ay nakikilala bilang mga Zapatista.[1] Isa siyang pigura mula sa panahon ng Rebolusyong Mehikano na pinamimitaganan pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Emiliano Zapata Salazar | |
---|---|
Kapanganakan | 8 Agosto 1879 Anenecuilco, Morelos, Mexico |
Kamatayan | 10 Abril 1919 Chinameca, Morelos, Mexico | (edad 39)
Organisasyon | Hukbo ng Liberasyon ng Katimugan |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Alba, Victor. "Emiliano Zapata Bio". Encyclopædia Britannica, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 15, 2013. Nakuha noong Marso 15, 2012.