Himagsikang Mehikano
Ang Himagsikang Mehikano (Wikang Kastila: Revolución Mexicana) ay ang malawig na pagkakasunud-sunod ng mga sandatahang salungatan sa rehiyon sa Mehiko mula humigit-kumulang 1910 hanggang 1920. Tinatawag itong "ang kaganapang nagtakda ng modernong kasaysayan ng Mehiko".[1] Nagbunga ito sa pagkawasak ng Hukbong Pederal at ang pagpapalit nito ng isang panghimagsikang hukbo,[2] at ang pagbabago ng kalinangan at pamahalaan ng Mehiko. Ang hilagang paksyon ng Konstitusyonalista ay nanaig sa larangan ng digmaan at bumalangkas ng kasalukuyang Saligang Batas ng Mehiko, na naglalayong lumikha ng isang malakas na sentral na pamahalaan. Ang mga mapanghimagsik na heneral ay humawak sa kapangyarihan mula 1920 hanggang 1940. Ang panghimagsikang salungatan ay pangunahin nang isang digmaang sibil, ngunit ang mga dayuhang kapangyarihan, na may mahalagang pang-ekonomiya at estratehikong kapakinabangan sa Mehiko, ay kasama sa sanhing kinalabasan ng mga pakikibaka sa kapangyarihan ng Mexico.Lalo na salik ng sadyang panghihimasok ng Estados Unidos, na may naging malaking gampanin rito.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Joseph, Gilbert and Jürgen Buchenau (2013). Mexico's Once and Future Revolution. Durham: Duke University Press, 1
- ↑ Lieuwen, Edwin (1981). Mexican Militarism: The Political Rise and Fall of the Revolutionary Military. Westport: Greenwood Press. Reprint of University of New Mexico Press 1968
- ↑ Katz 1981
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.