Endoplasmikong reticulum
Ang endoplasmikong reticulum(Ingles: endoplasmic reticulum o ER) ay isang organelo ng mga selula sa mga organismong eukaryotiko na bumubuo ng magkakadugtong na mga networko ng tubule, besikulo at cisternae. Ang mga magasapang na endoplasmikong reticulum(rough endoplasmic reticula) ay nagsi-sintesis ng mga protina samantalang ang makinis na endoplasmikong reticulum(smooth endoplasmic reticula) ay nagsi-sintesis ng mga lipid at steroid, nagme-metabolisa ng mga carbohydrate at steroid(ngunit hindi mga lipid), at kumokontrol ng konsentrasyon ng calcium, metabolismo ng droga at pagkakabit ng mga reseptor sa membrano ng selula na mga protina. Ang Sarcoplasmic reticula ay mag-isang kumokontrol sa lebel ng calcium.
Ang mga membranong lacey ng endoplasmikong reticulum ayy unang nakita nina Keith R. Porter, Albert Claude, and Ernest F. Fullam noong 1945.