Sa kriptograpiya, ang enkripsiyon (Ingles: encryption) ay ang proseso ng pagbabago ng impormasyon na tinatawag na plaintext (simpleng teksto) gamit ang isang sipero o algoritmo upang ito ay hindi mabasa maliban na lamang ng mga indibidwal na may hawak ng espesyal na kaalaman na tinatawag na "susi" (key).

Aplikasyon

baguhin

Ang enkripsiyon ay ginagamit ng mga militar at pamahalaan ng mga bansa mula pa noong sinaunang panahon upang isagawa ang isang sikretong komunikasyon. Sa modernong panahon, ang enkripsiyon ay ginagamit upang protektahan ang mga data na naglalakbay sa network ng kompyuter, mobil na telepono at marami pang iba.

Tingnan din

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika at Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.