Enrique III ng Pransiya
Si Enrique III (19 Setyembre 1551 – 2 Agosto 1589, pinanganak bilang Alexandre Édouard de France, Polako: Henryk Walezy, Litwano: Henrikas Valua) ay ang Hari ng Pransiya mula 1574 hanggang 1589. Siya ang ikatlong anak nina Enrique II ng Pransiya at ni Catherine de Médicis. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagpatuloy pa rin ang krisis ng Digmaan ng Relihiyon kung saan naging matindi dahil sa sagupaan ng mga dinastiya. Ito ay epekto ng mga isyu dahil ang tagapamanang lalaki ng dinastiyang Valois ay matatapos ang lahi sa kanya.[1]
Enrique III | |
---|---|
Si Enrique III noong 1570, iginuhit ni François Clouet, Musée du Louvre, Paris. | |
Panahon | 16 Mayo 1573 – 12 Mayo 1575 |
Koronasyon | 21 Pebrero 1574 |
Sinundan | Sigismund II Augustus Interrex |
Sumunod | Anna the Jagiellonian at Stephen Bathory |
Kinatawan | Jakub Uchański, Interrex |
Panahon | 30 Mayo 1574 – 2 Agosto 1589 |
Koronasyon | 13 Pebrero 1575 |
Sinundan | Charles IX |
Sumunod | Henry IV |
Asawa | Louise of Lorraine |
Lalad | Kabahayan ng Valois |
Ama | Henry II ng Pransiya |
Ina | Catherine de' Medici |
Libingan | Saint Denis Basilica, Pransiya |
Lagda |
Bago naging hari, nagsilbi si Haring Enrique bilang tapag-utos ng sandatahan ng kaharian sa ilalim ng pamumuno ng kanyang kapatid na si Carlos IX. Bilang paboritong anak ni Catherine, prinisinta niya si Enrique bilang kandidato para sa trono ng Polonya. Noong 1573, naitalaga siya bilang may hawak ng trono. Sa kasamaang palad namatay si Carlos noong Mayo 1574. Bilang tagapamana sa trono, iniwan niya ang Polonya at kinoronahang Hari ng Pransiya sa Reims.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Henry III | king of France and Poland | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2023-05-01. Nakuha noong 2023-05-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.