Ensiklopedyang Hudyo

Ang Ensiklopedyang Hudyo (Ingles: Jewish Encyclopedia: A Descriptive Record of the History, Religion, Literature, and Customs of the Jewish People from the Earliest Times to the Present Day) ay isang ensiklopedya sa Ingles na naglalaman ng 15,000 artikulo na nauukol sa kasaysayang Hudyo, kulturang Hudyo, at estado ng Hudaismo hanggang ika-20 siglo. Ang pangunahing patnugot nito ay si Isidore Singer at ang kalupunan ng pamamatnugot ay pinamunuan nina Isaac K. Funk at Frank H. Vizetelly. Ito ay orihinal na inilimbag sa 12 bolyum sa pagitan ng 1901 hanggang 1906 ng Funk & Wagnalls ng New York at muling nilimbag noong mga 1960 ng KTAV Publishing House. Ito ay kasalukuyang nasa sakop na pampubliko.