Entidad
Ang entidad (Ingles: entity) ay isang bagay na umiiral na nag-iisa, bagaman ito ay maaaring maging hindi isang pag-iral ng isang materyal, katulad ng mga abstraksiyon at mga likhang-isip na legal. Sa pangkalahatan, wala ring sapantaha na ang isang entidad ay may buhay o gumagalaw (animado). Sa larangan ng negosyo, ang entidad ay maaaring maging isang tao, isang kagawaran o departamento, isang pangkat, isang korporasyon, isang kooperatiba, isang sosyohan (pagsososyo), o iba pang grupo na maaaring pagsagawaan ng pangangalakal. Sa kung minssan, ang salitang entidad ay ginagamit sa isang panlahatang diwa ng isang nilalang, kahit na ang tinutukoy ay umiiral bilang isang materyal o hindi, iyong kadalasan ay tinutukoy bilang isang entidad na walang anyo ng materya o walang katawan, katulad na ng wika. Madalas din itong ginagamit upang tukuyin ang mga multo at iba pang mga espiritu. Ang salitang entitatibo ay isang anyong pang-uri ng pangngalan na entidad. Ang isang bagay na entitatibo ay itinuturing bilang puro o dalisay na entidad; na nakaabstrakto magmula sa lahat ng mga kalagayan, iyong itinuturing bilang entidad lamang, na nakahiwalay sa mga umiiral na mga kalagayan o sirkunstansiya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Metapisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.