Ang isang eponimo ay isang tao, lugar, o bagay na kanino o kaninuman ang isang tao o isang bagay ay, o pinaniniwalaang, pinangalanan. Ang mga pang-uri na nagmula sa eponimo ay eponimiko.

Gamit ng salita

baguhin

Ginagamit ang salita sa iba't ibang paraan. Sa pinakamadalas na binabanggit na kahulugan, ang isang eponimo,[1][2] ay isang tao, lugar, o bagay kung saan ipinangalan ito sa kung anuman. Sa ganitong paraan, si Isabel I ng Inglatera ay ang eponimo ng panahong Isabelino. Kung tinutukoy si Henry Ford bilang "ang eponimong tagapagtatag ng Ford Motor Company", sa gayon, maaring tawaging eponimo si Henry Ford mismo, o ang kanyang pangalang "Ford." Maari din tumutukoy ang katawagan sa isang malikhaing gawa na ipinangalan sa isang kathang-isip na karakter (na siya rin ang titulong karakter, tulad ng kay Rocky Balboa ng seryeng pampelikulang Rocky), o sa mga gawang ipinangalan sa mga lumikha nito (tulad ng album na The Doors, na gawa ng bandang The Doors, na tinatawag din bilang isang sariling-titulong album).[3][4][5][6]

Mga halimbawa

baguhin
  • Caesar Salad – Ang may-ari ng restawran na si Caesar Cardini ang lumikha ng salad o ensalada na ngayon ay may pangalan na.
  • Sandwich – Habang ang ilan sa mga likod ng kuwanto ay maaaring napakahusay, totoo na ang salitang sandwich ay pinangalanan para sa Earl of Sandwich o Konde ng Sandwich.
  • Amerika – Ang salitang Amerika ay ipinangalan sa tagagawa ng mapa na Italyano, si Amerigo Vespucci.
  • Fahrenheit – Si Gabriel Daniel Fahrenheit ay ang pisiko kung kanino pinangalanan ang pagsukat ng temperatura na ito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. (sinaunang Griyego ἐπώνυμος (a.) binagay bilang isang pangalan, (b.) pagbigay ng isang pangalan sa bagay o tao, ἐπί sa + ὄνομα, Eoliko ὄνυμα pangalan)
  2. "eponym, n. : Oxford English Dictionary". OED Online (sa wikang Ingles). 2019-10-26. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-26. Nakuha noong 2019-10-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "eponym". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Dictionary.com LLC. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "eponym". Merriam-Webster Online Dictionary (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "eponymous". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Dictionary.com LLC. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "eponymous". Merriam-Webster Online Dictionary (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 30 Disyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)