Ercole Antonio Mattioli

Si Ercole Antonio Mattioli (1 Disyembre 1640 – 1694), na nakikilala rin bilang Konde Matthioli,[1] ay isang Italyanong politiko, na naging ministro ni Duke Charles IV ng Mantua. Pinadukot siya at ibinilanggo ni Louis XIV ng Pransiya. Iniuugnay siya sa ang Lalaking nasa loob ng Maskarang Bakal.

Si Ercole Antonio Mattioli ay maaaring ang ibinilanggong Lalaking nakasuot ng Maskarang Bakal.

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Mattioli sa Valenza, sa lugar na nakikilala na sa ngayon bilang lalawigan ng Alessandria. Naghanapbuhay siya bilang isang ministro ni Charles IV, Duke ng Mantua, na, bilang Marquess ng Montferrat, ay nagmamay-ari ng pang-estratehiyang kuta ng Casale Monferrato. Ninais ni Louis XIV ang kuta at umibig na bilhin iyon sa halagang 100,000 mga korona. Dahil sa magiging hindi popular ng isang pananakop na Pranses, kailangan ang paglilihim hanggang sa magwakas at makumpleto na ang kasunduan at bilihan.

Naging matagumpay sa negosasyong ito si Mattioli at bilang utang na loob, ginantimpalaan siya nang labis-labis ni Louis XIV . Subalit, nang sasakupin na ng Pranses ang kastilyo, ibinunyag ni Mattioli ang lihim na kasunduan sa mga pamahalaang Austria, Savoy, Espanya at Venice, na maaaring upang makatanggap ng karagdagan pang mga gantimpala. Kinailangang huwag ituloy ni Louis XIV ang kasunduan at umurong bagaman sa pagdaka ay natabanan din niya ang Casale (kastilyo) pagkalipas ng dalawang mga taon.

Noong 1679, ipinadukot ni Louis XIV sa kaniyang sugo (legado) si Mattioli. Dinala si Mattioli sa Pransiya. Sa Pransiya, ikinulong si Mattioli sa kuta ng Pinerolo kung saan sa paglaon ay inilagay siya sa katayuang nakapiit na nag-iisa. Sa pagsapit ng 1680, nilarawan siya bilang halos nababaliw na. Ipinadukot din ang kaniyang katulong na ikinulong na kasama niya. Namatay si Mattioli noong 1694 habang nakabilanggo sa Pulo ng Sainte-Marguerite.

Ang lalaking nasa loob ng maskarang bakal

baguhin

Mayroong isa pang bilanggo sa Pignerol, na ang pangalan ay Eustache Dauger, ang tinatawag na Lalaking nasa likod ng Maskarang Bakal, na mayroong mga taong nagsasabing talagang yari sa itim na telang pelus (belbeto). Si Dauger ay nasa pangangalaga ng isang lalaking may pangalang Bénigne Dauvergne de Saint-Mars, at nakapiit sa mga bilangguan kung saan si Saint-Mars ay isang gobernador.

Naimungkahi na si Mattioli talaga ang bilanggong nakamaskara, at ito ang naging tanyag na teoriya o panukala noong malaking bahagi ng ika-19 na daantaon. Dahil sa ang bilanggong ito ay nalalamang nailibing sa ilalim ng pangalang "Marchioly", maraming mga tao ang naniniwala na ito ay sapat na katibayan na siya ang lalaking nasa loob ng maskara. Subalit ang mga liham na ipinadala ni Saint-Mars ay nagpapahiwatig na si Mattioli ay ipiniit lamang sa Pignero at sa Sainte-Marguerite. At hindi kailanman nasa Bastille si Mattioli, at kung sa gayon ay maaaring hindi siya ang lalaking bilanggo na nakamaskara.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Count Matthioli". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 64.
  2. The Man in the Iron Mask, dokumentaryong pantelebisyon ni Henry Lincoln, BBC, 1988.