Paninigas at pagtayo ng titi

(Idinirekta mula sa Ereksyon)
Tungkol ito sa ereksiyon ng titi. Para sa ereksiyon sa babae, pumunta sa Ereksiyon ng tinggil. Para sa pagtatayo ng bahay o gusali, pumunta sa Konstruksiyon.


Ang Ereksiyon ng titi o Paninigas at pagtayo ng titi ay isang kaganapang pampisyolohiya kung saan ang titi ng lalaking tao ay lumalaki, namimintog at matigas. Ang ereksiyong pangtiti ay resulta ng isang masalimuot na interaksiyon ng mga bagay na sikolohikal, neural, baskular, at endokrin, at pangkaraniwan ngunit hindi eksklusibong may kaugnayan sa pagkapukaw na seksuwal o pagkabighaning seksuwal. Ang pagtayo at pagtigas ng titi habang natutulog ay nakikilala bilang panggabing pamimintog ng titi, na tinatawag na nocturnal penile tumescence sa wikang Ingles.

Isang malambot o luyloy na hindi pa tuling titi (kaliwa) at nakatayo (kanan).

Pisyolohiya

baguhin

Ayon sa Harvard Medical School Family Health Guide, ang normal na ereksiyon ng titi ay hindi lamang kinasasangkutan ng titi lamang, bagkus ay kinasasangkutan ng buong katawan ng tao. Nagsisimula ito kapag ang isipan at mga pandama ng tao ay nakadama ng pagkapukaw na seksuwal. Pagkaraan nito, ang mga dulo ng mga nerb ay naglalabas ng isang mensaherong kimikal na nagpapaluwang ng mga daluyan ng dugo na nasa titi. Dahil sa pagluwang na ito ng mga daluyan ng dugo, ang dalawang kaban na "pampagalit" o pampatigas at pagtayo ng titi (ang mga kabang ito ay may laman na tisyung parang espongha) ay napupuno ng dugo upang lumaki, mamaga, at humaba, na nagdurulot ng ereksiyon.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Normal Erection", Problems with Male Sexual Function, Health of Men, Harvard Medical School Family Health Guide, Simon & Schuster, New York, pahina 1091.