Ang phallus ay isang katagang Ingles, at kilala sa Kastila bilang falo, na tumutukoy sa galit na titi, sa isang bagay na hugis-titi o wangis-titi na katulad ng dildo, o isang mimetiko o ginayang imahe o larawan ng isang titing galit. Anumang bagay na sumasagisag na kahawig ng isang titi ay maaari ring tukuyin bilang isang phallus; subalit ang ganyang mga bagay ay mas kadalasang tinutukoy bilang phallic o "parang galit na titi", katulad ng paggamit sa Ingles na phallic symbol. Ang ganyang mga simbolo ay kadalasang kumakatawan sa mga kadamay o kasingkahulugan ng pagkapalabuntisin o pertilidad at pangkultura na may kaugnayan sa organong seksuwal ng lalaki.

Ang "lalaki sa bariles", o barrel man sa Ingles, na nagmula sa Pilipinas na nagpapakita ng isang galit na titi, kapag inalis ang bariles na nakapaligid at nagtatago ng kahubaran ng lalaki sa bariles.

Etimolohiya

baguhin

Sa pamamagitan ng Latin, at Griyegong φαλλός, mula sa ugat na Indo-Europeong *bhel- "papintugin, mamaga". Ihambing sa Matandang Nordiko (at makabagong Islandiko) na boli = "toro" o bulugang baka, Matandang Ingles na bulluc = "bullock" o "kawan ng baka", Griyegong φαλλή = "balyena".[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. phallus, Online Etymology Dictionary