Ertuğrul Osman
Si Ertuğrul Osman (ipinanganak bilang Ertuğrul Osman Efendi Hazretleri; Istanbul, 18 Agosto 1912 – Istanbul, 23 Setyembre 2009) ay isang dating Prinsipe ng Imperyong Otomano at ika-43 Ulo ng natanggal sa tronong dinastiyang Otomano (Kabahayang Osman) mula 1994 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang pang-apat sa hanay upang mamuno nang mabuwag ang monarkiya noong 1923, at nang pumalit ang makabagong Republika ng Turkiya sa Dinastiyang Imperyal.[1] Itinuturing siya ng mga Turko bilang ang "huling Otomano".[1]
Buhay
baguhinSi Osma ang pinakabunsong anak na lalaki ni Prinsipe Mehmed Burhaneddin (1885 – 1949). Naglingkod ang kanyang ama bilang Kapitan ng Hukbong Katihan ng Otomano. Mula 1914 hanggang 1919, naging prinsipe pangkorona ng Albanya dahil sa kanyang pagkakakasal kay Aliye Melek Nazlıyar Hanım Efendi, anak na babae ni Huseyin Bey.
Noong 1924, habang nag-aaral sa Vienna, Austria, nakatanggap siya ng balitang mapapalayas ng bansa ang lahat ng kasapi ng mag-anak ng Sultan.[1] Hindi siya nagbalik sa kanyang tinubuang-lupang Turkiya hanggang sa dekada ng 1990, nang pumayag ang Pamahalaan ng Turkiyang pagkalooban siya ng pagkamamamayang Turko. Namuhay siya sa Estados Unidos magmula 1933, at nanirahan sa Lungsod ng Bagong York paglaon. Siya ang naging ika-45 Ulo ng Kabahayang Imperyal ng Osman noong 1994.
Walang karangyaan siya namuhay sa Bagong York pagkaraan ng 1945, na naninirahan sa isang apartamentong may dalawang silid-tulugan sa itaas ng isang bahay-kainan o restaurante.[1][2] Nagbalik siya sa Turkiya noong 1992, dahil sa paanyaya ng pamahalaan ng bansa.[1]. Nabigyan siya ng pasaporte at pagkamamayang Turko noong 2004.
Matatas siyang nakapagsasalita ng Turko, Ingles, Aleman, at Pranses, at nakakaunawa ng Italyano at Kastila.
Namatay si Ertuğrul Osman V sa edad na 97 noong 23 Setyembre 2009.[1][3][2] Ipinahayag ng Ministriya ng Kultura ng Turkiya ang sanhi ng kanyang kamatayan bilang sakit sa bato.[3] Pinatotohanan ito ng kanyang asawang nasa kanyang tabi nang bawian siya ng buhay.[4][2] Sumakabilang-buhay siya habang nasa isang ospital sa Istanbul.[1][3][2] Namalagi siya sa ospital sa loob ng isang linggo bago mamatay.[4]
Pag-aasawa
baguhinDalawang ulit siyang nakipag-isang dibdib, una sa Lungsod ng Bagong York, Bagong York, noong 20 Enero 1947 kay Gulda Twerskoy Hanım Efendi (Johannesburg, Gauteng, 20 Marso 1915 - Lungsod ng Bagong York, Bagong York, 16 Setyembre 1985), na walang naging balakid. Napangasawa niya ang kanyang pangalawang asawang si Zeynep Tarzi Hanım Efendi (ipinanganak sa Istanbul noong 16 Disyembre 1940) sa Lungsod ng Bagong York, Bagong York noong 27 Setyembre 1991, na babaeng anak ni Abdulfettah Tarzi, pamangking babae ng dating Hari ng Apganistang si Amanullah Khan, at ni Pakize Tarzi, isang tagapanimulang Turkong hinekologong nagmula sa isang pamilyang may ninunong Otomano. Nagwakas ang huling pagkakakasal na ito dahil sa kanyang pagkamatay.
Mga sanggunina
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 "'Last Ottoman' dies in Istanbul". BBC. 2009-09-24. Nakuha noong 2009-09-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 http://www.nytimes.com/2006/03/26/realestate/26habi.html
- ↑ 3.0 3.1 3.2 "Head of the former Ottoman dynasty dies". AP. 2009-09-24. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-03-23. Nakuha noong 2009-09-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Obituaries from the Zaman newspaper:
- Unattributed (2009-09-25). "Osmanoğlu, the eldest Ottoman dynasty member, passes away". Today's Zaman. p. 6. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-09-28. Nakuha noong 2009-09-24.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Demirci, Mehmet; Özdemir, Yavuz (2009-09-24). "Osmanlı hanedanının en kıdemli üyesi hayatını kaybetti". Zaman Gazetesi (sa wikang Turko). p. 32. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-09-28. Nakuha noong 2009-09-25.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Unattributed (2009-09-25). "Osmanoğlu, the eldest Ottoman dynasty member, passes away". Today's Zaman. p. 6. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-09-28. Nakuha noong 2009-09-24.
Mga kawing panlabas
baguhin- Ottoman Club
- Henealohiya ni Ertuğrul Osman Naka-arkibo 2008-03-15 sa Wayback Machine.
Ertuğrul Osman Kapanganakan: 18 Agosto 1912 Kamatayan: 23 Setyembre 2009
| ||
Mga Pamagat na Pinapanggap/Inaangkin | ||
---|---|---|
Sinundan: Mehmed Orhan |
— PANG-SEREMONYA — Sultan ng Imperyong Otomano Marso 12, 1994 – Setyembre 23, 2009 Dahilan ng hindi pag-angkin sa trono: Binuwag ang Imperyo noong 1922 |
Susunod: Bayezid Osman |
— PANG-SEREMONYA — Kalip ng Islam Marso 12, 1994 – Setyembre 23, 2009 Dahilan ng hindi pag-angkin sa trono: Binuwag ang Kalipado noong 1924 |