Sa pilosopiya, esensiya ang katangian (o hanay ng mga katangian) na nagtutulak sa isang bagay o pinakabuod nito upang maging tiyak at tunay ito. Sa balarila, ito ang kinakailangang panaguri ng isang pasimuno. Ang kahulugan ng esensiya ay nagkaroon ng iba-bang kahulugan sa kasaysayan ng pilosopiya: marami dito ang nagbuhat sa turo ni Aristoteles at sa naging pagbabago nito sa pagtataguyod ng mga iskolastiko.

Sa ganitong pagkaunawa, kabaligtaran ng esensiya ang aksidente: mga katangiang esensiyal (pambuod) ang taglay ng isang bagay na may kahalagahang metapisikal; mga katangiang aksidental ang tumutukoy sa mga bagay na walang-katiyakang metapisikal, na kailangang umasa sa iba upang umiral, na magaganap lamang kung matutupad ang mga kondisyong kinakapitan nito.

SanggunianBaguhin

Basahin dinBaguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.