Espanyol ng Espanya
Ang Espanyol ng Espanya (Español de España), na kilala rin bilang Espanyol Peninsular (español peninsular), Espanyol Iberiko (español ibérico) o Espanyol Europeo (español europeo), ay isa sa mga uring pang-wikain ng Wikang Espanyol na ginagamit sa Tangway Iberiko, taliwas sa Espanyol na ginagamit sa Amerika Latina at mga kapuluan ng Kanarya. Ang kaugnay na katagang Espanyol Kastelyano (español castellano) ay kadalasang pantukoy sa pormal na kaurian ng Espanyol na ginagamit sa Espanya.[1][2]
Sa ponolohiya, ang kapansin-pansing nagtatanging elemento ng Espanyol Peninsular, maliban sa mga nasa bandang timog ng Espanya, ay ang pagpapanatili ng kaibahan sa pagitan ng mga ponemang /s/ (na kinakatawan ng titik ⟨s⟩) at /θ/ (na kinakatawan ng mga titik ⟨z⟩, o ⟨c⟩ bago ang ⟨e / i⟩). Kadalasan itong tinatawag na distinción (kaibahan) sa Espanyol, habang tinatawag namang seseo ang merger na parehong ponema. Habang ang Espanyol sa Amerika Latina at sa ibang mga bahagi ng katimugan ng Espanya, ang mga titik ⟨z⟩, ⟨c⟩ bago ang ⟨e / i⟩, at ⟨s⟩, ay kadalasang binibigkas nang halos katulad sa Ingles o Tagalog na /s/, ang mga wikaing peninsular na may distinción, ang mga titik ⟨z⟩, at ⟨c⟩ bago ang ⟨e / i⟩, ay malinawang binibigkas na [θ], halos katumbas ng unang dalawang katinig sa Ingles na think. Ganoon pa man, marami sa mga wikaing Andalus at sa Espanyol sa mga Kapuluang Kanarya ang mga hindi gumagamit ng distinción bilang pangkalahatang tuntunin, ngunit sa halip ay gumagamit ng ceceo o seseo.
Sa agham-anyo (morpolohiya), ang pinaka-kapansin-pansing nagbibigay-kaibahang tampok sa Espanyol Peninsular ay ang paggamit ng panghalip na vosotros (kasama ang pahilig na anyo nitong os) pati ang mga kaayong anyong pandiwa nito para sa ikalawang katauhang pangmaramihang pamilyar.
Bilinggwismo
baguhinSa Espanya, iba't ibang mga wika ang mga ginagamit. Ang castellano o español, opisyal na wika sa kabuuan ng bansa, ang nangingibabaw na inang wika sa halos lahat ng mga nagsasariling komunidad (comunidad autónoma) ng Espanya. Anim sa labimpitong nagsasariling komunidad ng Espanya ay mayroon, kasama ng Kastelyano (Kastila), na iba pang mga wikang opisyal din.
Sanggunian
baguhin- ↑ "Castilian Spanish". ncl.ac.uk. Nakuha noong 23 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Castilian". Webcitation.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-15. Nakuha noong 2015-08-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.