Ang espasyong bektor (Ingles: vector space) ay isang istrakturang matematikal na binubuo ng kalipunan ng mga bektor na mga bagay na maaaring pagdagdagin at paramihin ng mga bilang na tinatawag na skalar. Ang mga skalar ay karaniwang nauunawaang mga tunay na bilang ngunit maaari ring isaalang-alang ang pagpaparami ng skalar sa pamamagitan ng mga komplikadong bilang, mga makatwirang bilang o kahit sa mas pangkalahatang mga field.

Kasaysayan

baguhin

Ang mga espasyong bektor ay unang ipinaliwanag nina Rene Descartes at Pierre de Fermat kung saan tinalakay nila ang mga espasyong bektor R2 at R3. Ang problema naman dito ay prinisinta lang nila ang punto at ang pag-gragraph kaysa ipaliwanag ang konseptong abstrak ng bektor.[1]

Ang mga konkretong paliwanag ng mga espasyong bektor ay matatagpuan sa mga gawa ni Bernard Bolzano[1] pero ang modernong depinisyon nito ay ipinaliwanag ni Giuseppe Peano noong 1888.[2]

Tinawag ni Peano ang mga espasyong bektor bilang mga sistemang linyar dahil nakikita niya rito na kaya pala ng mga bektor na nasa loob ng espasyo na makuha mula sa mga kombinasyong linyar ang mga limitadong bektor at skalar—av +bw + ... + cz.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "History of vector space". www.mathphysics.com. Nakuha noong 2022-12-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "vector space | mathematics | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.