Estasyon ng Sucat
Ang estasyong Sucat ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding Linyang Patimog o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ang estasyon sa Daang Meralco sa Muntinlupa malapit sa South Luzon Expressway.
Sucat | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Daang Meralco Sucat, Muntinlupa | ||||||||||
Koordinato | 14°27′7.70″N 121°3′3.36″E / 14.4521389°N 121.0509333°E | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||
Linya | Linyang Patimog | ||||||||||
Plataporma | 1 platapormang pagilid at 1 platapormang pagitna | ||||||||||
Riles | 3 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | ||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | SU | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Hunyo 21, 1908 | ||||||||||
Muling itinayo | 2010 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang estasyon ay ang ikalabinlimang estasyon patimog mula sa Tutuban at isa sa tatlong mga estasyon ng PNR na naglilingkod sa lungsod, ang iba pa ay Alabang at Muntinlupa.
Mga kalapit na pook-palatandaan
baguhinAng pangunahing kalapit na lugar ng estasyon ay ang Sucat Thermal Power Plant na matatagpuan sa likod ng estasyon sa Abenida Manuel A. Quezon sa tabi ng mga baybayin ng Laguna de Bay. Di-kalayuan mula sa estasyon ay Pambansang Dambana ng Our Lady of Miraculous Medal, St. James College of Parañaque, Mababang Paaralan ng Sucat, Mababang Paaralan ng Cupang, Muntinlupa Business High School, isang Makro, ang punong-tanggapan sa Pilipinas ng Zilog, mga inuusbong na mga pabahay tulad ng Posadas Village at ang Tribeca Private Residences, at mga sementeryo tulad ng Loyola Memorial Park and at Manila Memorial Park.
Mga kawing pantransportasyon
baguhinMapupuntahan ang estasyong Sucat gamit ang mga dyipning dumadaan sa mga ruta ng Daang Meralco at Abenida Dr. Arcadio Santos routes. Isang terminal ng dyipni ay matatagpuan sa labas ng estasyon. Mapupuntahan din ang estasyon gamit ng mga bus na dumadaan sa South Luzon Expressway na humihinto sa Sucat.
Pagkakaayos ng Estasyon
baguhinL1 Mga plataporma | ||
Plataporma A | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) o Alabang (→) | |
Platapormang pagitna, maaaring magbukas ang mga pinto sa kaliwa o kanan | ||
Plataporma A | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Plataporma B | PNR Metro Commuter patungong Alabang (→) | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Sucat Thermal Power Plant, Our Lady of Miraculous Medal National Shrine, St. James College of Parañaque, Mababang Paaralan ng Sucat, Mababang Paaralan ng Cupang, Muntinlupa Business High School, Zilog, Posadas Village, Tribeca Private Residences, Loyola Memorial Park, Manila Memorial Park |