Estasyon ng Baclaran

ay isang estasyon ng LRT ng Maynila
(Idinirekta mula sa Estasyong Baclaran ng LRT)

Ang Estasyong Baclaran ng LRT ay isang estasyon sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRT) o LRT-1. Matatagpuan ang estasyon sa huling kahabaan ng Abenida Taft sa Pasay na nasa hangganan ng lungsod at Baclaran, Parañaque. Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, ang Baclaran terminal ay nakaangat sa lupa sa biyadukto. Ipinangalan ito mula sa tanyag na distrito pasyalan ng Baclaran na matatagpuan sa mga hangganan ng Pasay at Parañaque.

Baclaran
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Isang plataporma sa Estasyong Baclaran.
Pangkalahatang Impormasyon
Ibang pangalanLRT-1 Depot
Baclaran Terminal Plaza
LokasyonKanto ng Karugtong ng Abenida Taft at Abenida Park
Pasay
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaLRT Line 1
Plataporma1 gilid ng plataporma, 1 gitnang plataporma
Riles3 (2 sa main line, 1 reserba)
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaBiyadukto
Ibang impormasyon
KodigoBA
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Ito ay magsisilbing panglimang estasyon para sa mga tren na patungong Fernando Poe Jr., at ikadalawampung estasyon para sa mga tren na patungong Dr. Santos.

Isa ang Baclaran sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Gil Puyat, Libertad at EDSA. Ito ang katimugang dulo ng LRT-1, kung saan humihinto ang mga treng mula Roosevelt. Ang silungan (depot) ng linya, kung saan itinatago, pinapanatili at nililinis ang mga tren nito, ay matatagpuan malapit sa estasyon.

Ang estasyong Baclaran ay nagsilbing timog na hangganan ng linya hanggang sa pagbukas ng estasyong Dr. Santos ng unang bahagi ng extension patungong Cavite.

Malapit ang terminal sa isa sa mga tanyag na pook-palatandaan sa bansa, ang Dambana ng Baclaran na kinalalagyan ng Ina ng Laging Saklolo. Malapit din ito sa mga maraming tiyangge na nagbebenta ng mga samu't-saring bagay mula damit at elektroniks hanggang palamuting pambahay at pangnakagawiang panggagamot. Lubhang mainit sa loob ng estasyon.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

Isang pangunahing pusod ng transportasyon ang Baclaran Terminal, at maraming mga bus at dyipni ang humihinto rito. Karaniwang patungo ang mga bus na mula sa himpilan na ito sa mga paroroonan sa katimugang Kamaynilaan at lalawigan ng Kabite. Ang mag dyipni na humihinto rito naman ay karaniwang tumutungo sa iba't-ibang mga paroroonan sa Kalakhang Maynila (Las Pinas, Paranaque, at Muntinlupa sa timog; Maynila, Pasay, Lungsod Quezon, at Caloocan sa hilaga), at sa lalawigan ng Kabite. Ang mga taksi ay dumaraan din malapit sa estasyon pag-inaarkila, at may dedikadong mga taksi na maaarkila ng mga pasahero na papuntang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino, na may layong dalawang kilometro lamang mula sa estasyon. May mga traysikel din upang makapunta sa panloob na mga kalsada ng Baclaran mula sa estasyong ito.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L2
Mga plataporma
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr., o silungan
Platapormang pagitna, magbubukas ang mga pinto sa kanan o kaliwa
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Fernando Poe Jr., o silungan
Plataporma C Unang Linya ng LRT patungong Dr. Santos
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan, tulay patungo sa mall
L1 Daanan

Mga insidente

baguhin
  • Nagliyab ang isang sunog sa isang pamilihan sa Baclaran noong ika-3 ng Enero 3, 2008, alas-5 ng umaga. Kumalat ang apoy dahil sa mahangin na panahon at nagdala ng usok sa Estasyong Baclaran hanggang sa kasunod na Estasyong EDSA.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "LRT sustains damage, loses rider revenue from mall fire". INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-07. Nakuha noong 2008-10-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°32′19.77″N 121°00′02.46″E / 14.5388250°N 121.0006833°E / 14.5388250; 121.0006833