Estasyon ng North Avenue (MRT)

ay isang estasyon sa Manila Line 3 (MRT-3)
(Idinirekta mula sa Estasyong North Avenue ng MRT)

Ang Estasyon ng North Avenue o Himpilang North Avenue ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa "North Triangle" ng Lungsod Quezon. Ipinangalan ito sa Abenida North na malapit sa himpilan.

North Avenue
Manila MRT Line 3
Estasyon ng North Avenue
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonEDSA, Brgy. Bagong Pag-asa, Diliman, Lungsod Quezon
Koordinato14°39′08.8″N 121°01′55.8″E / 14.652444°N 121.032167°E / 14.652444; 121.032167
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Metro Rail Transit Corporation (MRTC)
Pinapatakbo ni/ngMetro Rail Transit Corporation
LinyaMRT-3
PlatapormaGilid na batalan
Riles2, 1 Spur Papuntang Himpilan
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaTulay (Overpass)
Akses ng may kapansananMayroon
Ibang impormasyon
KodigoNA
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 15, 1999

Ang himpilan ay ang hilagang hangganan ng MRT-3 kung saan nagwawakas ang ruta ng mga treng MRT-3 mula sa Abenida Taft. Ito rin ang unang himpilan para sa mga tren na patungong Abenida Taft. Malapit ang himpilan sa Trinoma.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

May mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon.

Balangkas ng estasyon

baguhin
L3
Batalan
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Batalan A Ika-3 Linya papunta sa riles palitan
Batalan B Ika-3 Linya papuntang himpilan ↗ o Taft Avenue
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L3 Lipumpon Faregates, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan, Tulay papuntang Trinoma
L2 Tulay
L1 Daanan Trinoma, Vertis North, Hotel Sogo