Estasyon ng Pedro Gil

ay isang himpilan sa Manila LRT Yellow Line (LRT-1)
(Idinirekta mula sa Estasyong Pedro Gil ng LRT)

Ang Estasyong Pedro Gil ng LRT, na kilala rin bilang Estasyong Pedro Gil ng LRT at minsang tinawag na Estasyong Herran ng LRT, ay isang estasyon sa Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Unang Linya ng LRT). Katulad ng iba pang mga estasyon ng LRT-1, nakaangat sa lupa ang estasyong Quirino. Nagsisilbi ang estasyon sa distrito ng Ermita, Maynila, at matatagpuan ito sa panulukan ng Abenida Taft at Kalye Pedro Gil. Hango ang pangalan ang estasyon sa Kalye Pedro Gil, na dating tinawag na Kalye Herran (Calle Herrán sa Wikang Kastila).

Pedro Gil
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Estasyong Pedro Gil
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKanto ng Abenida Taft at Kalye Pedro Gil, Ermita, Maynila 1000
Pagmamayari ni/ngKagawaran ng Transportasyon (DOTr)
Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA)
LinyaUnang Linya ng LRT
PlatapormaMga plataporma sa gilid
Riles2
Ibang impormasyon
KodigoPG
Kasaysayan
NagbukasDisyembre 1, 1984
Serbisyo
Huling estasyon   Manila LRT   Susunod na estasyon
patungong Fernando Poe Jr.
Line 1
patungong Dr. Santos

Nagsisilbi bilang pang-labing-apat na estasyon ang estasyong Quirino para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pampitong estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt.

Mga kalapit na palatandaang pook

baguhin

Malapit ang estasyon sa Ospital Heneral ng Pilipinas na isa sa mga pinakamatandang ospital sa Pilipinas, gayundin sa University of the Philippines Manila, Saint Paul University Manila, Philippine Christian University, Philippine Women's University at Philippine Science Centrum. Dahil sa lokasyon nito sa Ermita, malapit ang estasyon sa mga sentrong pasyalan at panlibangan tulad ng Robinsons Place Manila at Hyatt Hotel and Casino Manila, gayundin sa Kalye Julio Nakpil (dating Kalye Vermont) na kilala sa mga serbisyong pagtatato (tattooing services) nito.

Mga kawing pangpanlalakbay

baguhin

Pinagsisilbihan ang estasyon ng mga taksi at dyipni na dumadaan sa ruta ng Abenida Taft at mga kalapit na ruta. Humihinto ang mga taksi at dyipni malapit sa estasyon at maaaring gamitin upang ilulan ang mga mananakay papunta at galing sa Ermita.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L2
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt
Plataporma B Unang Linya ng LRT patungong Baclaran
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L2 Lipumpon Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan
L1 Daanan University of the Philippines Manila, Ospital Heneral ng Pilipinas

14°34′35.87″N 120°59′16.77″E / 14.5766306°N 120.9879917°E / 14.5766306; 120.9879917