Estasyon ng Laon Laan

Ang estasyon ng Laon Laan (o estasyon ng Dapitan) ay isang estasyon ng Katimugang Pangunahing Linya (Southrail) ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR). Napapaligiran ang estasyon ng apat na mga kalye: ang Kalye Laon Laan, Dapitan, Algeciras at Antipolo, sa Sampaloc, Maynila.

Laon Laan
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Labas ng estasyon ng Laon Laan
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonKalye Laon Laan
Sampaloc, Maynila
Koordinato14°37′0.45″N 120°59′33.53″E / 14.6167917°N 120.9926472°E / 14.6167917; 120.9926472
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Patimog ng PNR
PlatapormaMga platapormang pagilid
Riles2
Konstruksiyon
Akses ng may kapansananOo
Ibang impormasyon
KodigoLLN
Kasaysayan
NagbukasEnero 23, 1978
Muling itinayo2009
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Metro Commuter
patungong Alabang o Calamba

Ang estasyon ang ikatlong estasyon mula sa Tutuban.

Mga kalapit na pook-palatandaan

baguhin

Malapit ang estasyon sa mga kilalang pook tulad ng Bulaklakan ng Dangwa (o Bulaklakan ng Maynila), ang Pamantasan ng Santo Tomas at ang SM City San Lazaro.

Pagkakaayos ng Estasyon

baguhin
L1
Mga plataporma
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
Plataporma A PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←)
Plataporma B PNR Metro Commuter patungong Alabang (→)
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan
L1 Lipumpon/
Daanan
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Bulaklakan ng Dangwa, Pamantasan ng Santo Tomas, SM City San Lazaro

Tingnan din

baguhin