Ang esterilisasyon[1] (Ingles: sterilisation o sterilization) ay ang proseso o pamamaraang pangsiruhiya na nakagagawang pisikal na hindi magkaanak ang mga hayop o mga tao na may kakayanang magkaanak. Madalas na ginagawa ang isterilisasyon bilang isang paraan ng pagpigil sa pag-aanak. Subalit ito ay madalas na isinasagawa na labag sa kalooban ng isang tao, na kung tawagin ay isterilisasyong kompulsoryo o sapilitang pag-alis ng kakayahan ng isang tao na magkaanak. Samantala, ang isterilisasyong boluntaryo o isterilasyong may pagkukusa ay hindi labag sa kalooban at may pahintulot o pagpayag ng isang tao na sumailalim sa prosesong ito.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "esterilisasyon, sterilization". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "sterilization" at "voluntary sterilization". "Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 568 at 570.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.