Ethernet
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Ethernet ay isang pamilya ng mga teknolohiya ng pagnenetwork ng kompyuter para sa mga local area network (LAN). Ang Ethernet ay pangkalakalan (commercial) na ipinakilala noong 1980 at pinamantayanan noong 1985 bilang IEEE 802.3. Ang Ethernet ay malaking pumalit sa mga nakakawad na mga teknolohiyang LAN. Ang mga pamantayang Ethernet ay binubuo ng ilang mga bersiyong pagkakawad at pagsisignal ng OSI physical layer na ginagamit sa Ethernet. Ang orihinal na 10BASE5 Ethernet ay gumamit ng mga kableng coaxial bilang isang pinagsaluhang medium. Kalaunan, ang mga kableng coaxial ay pinalitan ng pinilipit na pares(twisted pair) at fiber optic kasabay ng mga ethernet hub o mga ethernet switch. Ang mga rate ng datos ay peryodikong tumaas mula sa orihinal na 10 megabit kada segundo hanggang 10 gigabit kada segundo. Ang mga sistemang nakikipagtalastasan sa ibabaw ng ethernet ay naghahati ng mga stream ng datos sa mas maiiksing mga pirasong tinatawag na mga frame. Ang bawat frame ay naglalaman ng mga adress ng pinagmulan at patutunguhan(destinasyon) at datos na tumitingin sa pagkakamali upang ang napinsalang datos ay matukoy at muling ipadala. Ayon sa modelong OSI, ang ethernet ay nagbibigay ng mga serbisyo hanggang at kinabibilangan ng data link layer. Mula ng pangkalakalan (commercial) na paglabas nito, ang ethernet ay nagpanatili ng isang mabuting digri ng kompatibilidad. Ang mga katangian gaya ng pormat na 48-bit MAC address at Ethernet frame ay nakaimpluwensiya sa ibang mga networking protocol.