Etnokoreolohiya
Ang etnokoreolohiya, kilala rin bilang etnolohiya ng sayaw, etnolohiyang pangsayaw, antropolohiyang pangsayaw, o antropolohiya ng sayaw, ay ang pag-aaral ng sayaw sa pamamagitan ng paggamit ng isang bilang ng mga disiplinang katulad ng antropolohiya, musikolohiya (etnomusikolohiya), etnograpiya, at iba pa. Ang salitang etnokoreolohiya ay medyo kamakailan lamang naimbento at literal na nangangahulugang "ang pag-aaral ng sayawing-bayan", na kabaligtaran ng pormal na klasikong baley. Kung gayon, ang etnokoreolohiya ay nagpapakita ng kamakailan lamang na pagsubok na magamit ang kaisipang pang-akademya sa kung bakit sumasayaw ang mga tao at ano ang kahulugan nito. Hindi lamang ito pag-aaral o pagkakatalogo ng libu-libong panlabas na mga anyo ng mga sayaw (mga galaw sa pagsasayaw, musika, mga kasuotang pangsayaw, at iba pa) sa sari-saring mga bahagi ng mundo. Sa halip, isa itong pagsubok upang maunawaan ang sayaw bilang umiiral sa loob ng mga kaganapang panlipunan ng isang halimbawang pamayanan pati na sa loob ng kasaysayang pangkalinangan ng isang pamayanan. Ang sayaw ay hindi lamang isang walang tinag na kinatawan ng kasaysayan, at hindi rin isang repositoryo ng kahulugan, bagkus isang tagagawa ng kahulugan sa bawat pagkakataong ginagawa ito. Hindi ito isang nabubuhay na salamin ng isang kultura, bagkus ay isang nanghuhubog na bahagi ng kalinangan, isang kapangyarihan sa loob ng kultura.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.