Ang Eukaristiya o Komunyon ay ang "oras ng pagkain" o Hapunan ng Panginoon o Piging ng Panginoon na pinagsaluhan o pinagsasaluhan ng mga tagasunod ni Hesus upang alalahanin ang katawan ni Hesus na ibinigay ni Hesus para sa mga tagasunod na ito.[1] Si Hesus ang nagtatag ng Eukaristiya sa pamamagitan ng paggawa niya ng isang himala: ang paggawa sa tinapay bilang tunay niyang katawan, at sa paggawa niya sa alak bilang tunay niyang dugo.[2] Pinagsasaluhan ang alak upang gunitain ang dugo ni Hesus na pinadaloy para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng mga tagasunod ni Hesus. Nakakatulong ang piging o pagsasalong ito sa mga sumusunod kay Hesus upang balik-tanawin ang tatlong mga bagay: (a) na si Hesus ay namatay para sa mga tagasunod ni Hesus, (b) na buhay si Hesus at kapiling pa rin ng mga tagasunod niya sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, at (c) na kakain at iinom si Hesus sa piling nila sa kanyang pagbabalik. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, tinatawag din ang Eukaristiya bilang "paghahati ng tinapay" (breaking bread sa Ingles na parirala para rito).[1] Sa Lumang Tipan ng Bibliya, pinagtibay ng dugo ng mga hayop ang mismong Limang Tipan ng Diyos sa tao. Samantalang sa Bagong Tipan ng Bibliya, pinagtibay ang mismong Bagong Tipan ng Diyos sa tao sa pamamagitan ni Hesus.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Lord's Supper, Eucharist, Communion". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B7.
  2. 2.0 2.1 Abriol, Jose C. (2000). "Eukaristiya". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paliwanag ni Jose C. Abriol para sa Mateo 26-28, pahina 1474.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.