Si Eulogio M. Dua ay isinilang sa Pampanga, Cotabato (ngayon ay Lungsod ng Cotabato, Maguindanao) noong 11 Marso 1909. Isa siyang manunulat ng sanaysay. Kinagiliwan niyang magsulat ng mga sanaysay tungkol sa mga napapanahon at kontrobersiyal na isyu ng kanyang panahon. Gaano man kakontrobersiyal ang mga isyung kanyang tinatalakay sa kanyang mga sanaysay, iyon ay nilalagyan niya ng bahid katatawanan. Naniniwala rin siya na ang pag-aaral ay hindi nagiging kabagut-bagot kung ito ay sasamahan ng kaunting katatawanan.

Eulogio Dua
Trabahomanunulat

Kaakit-akit at masigla ang tono ng kanyang mga sanaysay. Simpleng wika ang kanyang ginagamit sa pagsusulat kaya't madaling maunawaan. Nagbibigay siya ng mga konkretong halimbawa na madaling naiuugnay ng mga mambabasa sa mga tunay na pangyayari sa buhay. Ang karaniwang nagiging paksa ng kanyang mga sanaysay ay mga obserbasyon, mga karanasan at tungkol sa mga bagay na kanyang natutuklasan sa buhay, kaugalian at kalikasan ng mga karaniwang tao sa mga karaniwang lugar o pook.

Maliit pa siya ay mahilig na siyang tumula at bumigkas ng mga berso. Sa edad na 12 ay nakasulat na siya ng mga tula sa wikang Hiligaynon. Ang kanyang ina ay tubong Pototan, Iloilo kaya doon siya lumaki. Sa mababang paaralan ay lagi siya ang nangunguna sa klase. Nang siya ay nasa mataas na paaralan ay nagsulat na siya ng mga tula at maikling kuwento sa pahayagan ng paaralan.

Nang makatapos siya ng mataas na paaralan ay nagsulat na siya sa pang-araw-araw na pahayagang nalalathala sa Iloilo. Ang unang artikulong nasulat niya ay lumabas sa Philippine Free Press noong 1928. Nagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa Philippine Normal School noong 1933. Natuto siya ng journalism sa pamamagitan ng self study kung ana ang kanyang nababasa 'tV agad niyang ginagawa upang matutuhan. Nakapagsusulat siya kahit maingay ang kanyang kapaligiran. Naging regular siyang manunulat ng magasing Hiligaynon, Evening News, Times Week at ng Philippine Free Press. Halimbawa ng mga sanaysay na sinulat niya ay Oshagatu Japan's Festival of Festivals na nailathala sa Pillars noong Disyembre, 1944 at Who Could Forget Enero 3? na lumabas sa Sentinel noong 3 Pebrero 1949.