Eva Vivar
Si Eva Vivar ay isang artistang Pilipino. Nagsimula siya noong maagang bahagi ng dekada 1970. Si Danny Cruz ang kanyang naging palagiang kapareha kung saan sila ay nagduweto pa sa ilang awiting tulad ng "Yellow Bird", "Let Me Call You Sweetheart", "I Understand", "Let Me Be the One", "Forbidden Games" (Theme from 1952 French film "Jeux Interdits"), "A Girl's Prayer", "Speak Softly Love", at "Ako'y Iniwan Mo" na isinaplaka at pinamahagi ng Alpha Records. Meron din siyang isa sa mga awitin sa bagong CD na "The Best of Immortal Pilipino Songs, Volume 3", na likha pa rin ng Alpha Music Corporation (www.alphamusic.ph).
Eva Vivar | |
---|---|
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | artista |
Siya ay nakapagsaplaka ng mahigit tatlong dosenang awitin kung saan siya ay nakakontrata sa Alpha Records.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.