Evil Merodac
Si Evil Merodac o Amel-Marduk (namatay noong 560 BK) ay ang anak na lalaki at kahalili ni Nabucodonosor II, hari ng Babilonya.[1] Naghari siya ng dalawang mga taon lamang (562 - 560 BK). Ayon sa pambibliyang Aklat ng mga Hari, pinatawad at pinalaya niya si Jehoiachin, hari ng Kaharian ng Judah, na naging bilanggo sa Babilonya sa loob ng tatlumpu't pitong mga taon (2 Mga Hari 25:27). Diumano, dahil sinubok ni Amel-Marduk na baguhin ang mga patakaran ng kanyang ama, pinaslang siya ni Nergal-sharezer (Neriglissar), ang kanyang bayaw, na pumalit sa kanya.[2]
Sinundan: Nabucodonosor |
Hari ng Babilonya 562–560 BK |
Susunod: Neriglissar |
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Evil Marodac". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 558. - ↑ Easton's Bible Dictionary, 1897.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.