Si Nergal-sharezer o Neriglissar (sa wikang Akkadiano Nergal-šar-uṣur, "O diyos Nergal, ingatan/ipagtanggol ang hari") ang hari ng Babilonya mula 560 BCE hanggang 556 BCE. Siya ay manugang ni Nebuchadrezzar II na ang anak na lalake at tagapagmanang si Amel-Marduk ay pinatay ni Nergal-sharezer at hinalinhan. Ang isang kronikang Babilonyano ay naglalarawan ng isang digmaang kanluranin noong 557/556 BCE. Siya ay tradisyonal na itinatala bilang isang hari ng Dinastiyang Kaldeo. Gayunpaman, hindi alam kung siya ay isang Kaldeo o katutubo ng Babilonya dahil wala siyang kaugnayan sa dugo kay Nabopolassar at mga kahalili nito.

Sinundan:
Amel-Marduk
King of Babylon
560–556 BC
Susunod:
Labashi-Marduk