Nabucodonosor II

(Idinirekta mula sa Nebuchadrezzar II)

Si Nabucodonosor II (Ingles: Nebuchadnezzar II /nɛbjʊkədˈnɛzər/; Arameo: ܢܵܒܘܼ ܟܘܼܕܘܼܪܝܼ ܐܘܼܨܘܼܪ‎; Hebreo: נְבוּכַדְנֶצַּרNəḇūḵaḏneṣṣar; Ancient Greek: Ναβουχοδονόσωρ Naboukhodonósôr; Arabic: نِبُوخَذنِصَّر nibūḫaḏniṣṣar; c 642 BK – 562 BK) ang hari ng Imperyong Neo-Babilonyano na naghari noong c. 605 BK – 562 BK. Siya ang nagtayo ng Mga nakabiting hardin ng Babilonya. Ang kanyang pangalang wikang Akkadiano na Nabû-kudurri-uṣur ay nangangahulugang "O Diyos Nabu, ingatan/ipagtanggol ang iyong panganay na anak na lalake". Si Nabu ang Diyos ng Babilonya ng karunungan at anak na lalake ng Diyos na si Marduk. Sa isang inskripsiyong, tinawag ni Nabucodonosor II ang kanyang sarili bilang ang "minamahal" at "paborito" ng Diyos na si Nabu.[2][3] Ang kanyang pangalan ay dating maling pinakahulugang "O Nabu, ipagtanggol ang aking kudurru"[4] na pinakahulugang sinulatang bato ng deed ng ari-arian. Gayunpaman, kapag nakalagay sa pamagat ng isang hari, ang kadurru ay tinatayang may kahulugang "panganay na anak na lalake" o "pinakamatandang anak na lalake". [5] Ayon sa Bibliya, kanyang sinakop ang Judah at Herusalem at pinatapon ang mga Hudyo sa Babilonya. Siya ay binanggit rin sa Aklat ni Daniel. Ang mga anyo ng wikang Hebreo ay kinabibilangan ng נְבוּכַדְנֶאצַּר at נְבוּכַדְרֶאצַּר (Nəḇuḵaḏreṣṣar). Siya ay kilala rin bilang Bakhat Nasar na nangangahulugang "nagwagi ng kapalaran".

Isang paglililok sa isang batong mata ng onyx na may inskripsiyon ni Nabucodonosor II [1]

Talambuhay

baguhin

Si Nabucodonosor ang pinakamatandang anak na lalake ni Nabopolassar na nagpalaya sa Babilonya mula sa tatlong siglo nitong pagka-basalyo sa kapwa nitong estadong Mesopotamianong Assyria. Ayon kay Berossus, nang mga ilang taon bago siya maging Hari ng Babiloniya, ang mga dinastiyang Babilonyano ay nagkakaisa. Pakay ni Nabopolassar na idagdgag ang mga kanluraning probinsiya ng Syria(sinaunang Aram) mula kay Necho II (na ang sariling dinastiya ay naging mga basalyo ng Assyria na umaasa paring panumbalikin ang kapangyarihang Asiryo). Upang makamit ito, kanyang pinadala ang kanyang anak na lalake papakanluran kasama ng isang malaking hukbo. Sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, ang mga hukbong Ehipsiyo at Asiryo ay natalo at umurong at ang Syria at Fenicia ay napasailalim ng Babilonya. Si Nabopolassar ay namatay ng Agosto ng taong iyon.

Pagkatapos ng pagkatalo ng mga Cimmerian at Scythian na mga nakaraang kaalyado sa pagtalo ng Assyria, ang mga ekspedisyon ni Nabucodonosor ay pakanluran bagaman ang makapangyarihang Imperyong Medes ay nasa hilaga. Ang pagpapakasal ni Nabucodonosor kay Amytis ng Media na anak ng haring Mede ay sumiguro ng kapayapaan sa pagitan ng mga imperyo. Si Nabucodonosor ay nagsagawa ng ilang mga kampanyang militar upang palakihin ang impluwensiya ng Aramea (modernong Syria) at Judah). Gayunpaman, ang kanyang pagtatangkang pananakop ng Sinaunang Ehipto noong 601 BK ay nabigo at siya ay natalo na humantong sa maraming mga paghihimagsik ng mga estadong Feniciano at Cananeo ng Levant kabilang ang Kaharian ng Judah na nakaraang nanumpa ng katapatan sa Babilonya. Agad na sinugpo ni Nabucodonosor ang mga paghihimagsik ito at binihag ang Herusalem noong 597 BK. Kanyang muling binihag ang Herusalem noong 587 BK at ipinatapon ang mga Hudyo sa Babilonya. Pagkatapos nito, kanyang kinubkob ang Tiro na tumagal ng 13 taon (585 BK–572 BK) at nagtapos sa isang kompromiso. Pagkatapos nito ay nakidigma si Nabucodonosor sa Ehipto noong 568 BK ngunit nabigong masakop ito. Pagkatapos nito, kanyang muling itinayo at pinalamutian ang Babilonya at nagtayo ng mga kanal, mga aqueduct, mga templo at mga reservoir. Ayon sa tradisyong Babilonyano, tungo sa wakas ng kanyang buhay, hinulaan ni Nabucodonosor ang nalalapit na pagguho ng Dinastiyang Kaldeo(Berossus at Abydenus kay Eusebius, Praeparatio Evangelica, 9.41). Siya ay namatay sa Babilonya sa pagitan ng ikalawa at ikaanim na mga buwan ng ika-43 taon ng kanyang paghahari. Siya ay hinalinhan sa trono ng kanyang anak na si Amel-Marduk.

Pamana

baguhin

Isa nang malaki at mayamang lungsod ang Babilonya noong maging hari si Nabucodonosor II. Subalit nagdagdag pa siya ng mga gusaling katulad ng Tarangkahan ni Ishtar pati ang Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya. Itinayo ni Nabucodonosor ang halamanang ito para sa kanyang asawang si Amytis, sapagkat ayaw nito ng patag na kalatagan ng Babilonya. Isa ang halamanang ito sa naging sinaunang Pitong mga Kahanga-hanga ng Mundo.

Ayon sa Bibliya

baguhin

Ayon sa Aklat ni Daniel 5:2, si Nabucodonosor ang ama ni Belshazzar na inangking huling hari ng Babilonya. Ito ay isang kamalian dahil si Belshazzar ay anak ni Nabonidus at si Nabucodonosor ay walang kaugnayang pampamilya kay Nabonidus.[6] Si Nabucodonosor ay namatay noong 562 BK at hinalinhan sa trono ng kanyang anak na si Amel-Marduk na pinatay naman ng bayaw ni Amel-Marduk na si Neriglissar. Si Neriglissar ay apat na taong naghari at pagkatapos ng kanyang kamatayan noong 560 BK ay hinalinhan ng kanyang anak at apo ni Nabocudonosor na si Labashi-Marduk bilang hari. Nagkaroon ng isang himagsikan at si Labashi Marduk ay pinaslang at pinalitan ng bagong haring si Nabonidus na huling hari ng Babilonya. Ayon din sa Aklat ni Daniel 1:1, nang ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim na hari sa Judah, ay dumating sa Herusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonya, at kinubkob niya yaon. Ito ay sinasalungat sa 2 Aklat ng mga Hari 24:8-16, kung saan sa paghahari ni Jehoichin nang kinubkob ni Nabucodonosor ang Herusalem. Sa karagadagan, ang ikatlong taon ng paghahari ni Jehoiakim ay babagsak sa 606 BK nang hindi pa hari ng Babilonya si Nabucodonosor. Hinulaan sa Aklat ni Ezekiel 26:7-21 na "Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking dadalhin sa Tiro si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, na hari ng mga hari, mula sa hilagaan, na may mga kabayo, at may mga karo, at may mga nangangabayo, at isang pulutong, at maraming tao...At gagawin kitang(Tiro) hubad na bato: ikaw ay magiging dakong ladlaran ng mga lambat; ikaw ay hindi na matatayo; sapagka't akong Panginoon ang nagsalita, sabi ng Panginoong Dios...Ang mga pulo nga ay mayayanig sa kaarawan ng iyong pagbagsak; oo, ang mga pulo na nangasa dagat ay manganglulupaypay sa iyong pagyaon. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka ikaw ay aking gagawing sirang bayan, na parang mga bayan na hindi tinatahanan, pagka tatabunan kita ng kalaliman, at tatakpan ka ng maraming tubig; Ibababa nga kita na kasama nila na bumababa sa hukay, sa mga tao nang una, at patatahanin kita sa mga malalim na bahagi ng lupa, sa mga dakong sira nang una, na kasama ng nagsibaba sa hukay, upang ikaw ay huwag tahanan; at ako'y maglalagay ng kaluwalhatian sa lupain ng buhay. Gagawin kitang kakilakilabot, at hindi ka na mabubuhay: bagaman ikaw ay hanapin ay hindi ka na masusumpungan pa uli, sabi ng Panginoong Dios. Ito ay hindi natupad dahil ang Tiro ay nakatayo pa rin hanggang ngayon at kalaunang inamin sa Ezekiel 29:18 ang pagkabigo ng pagwasak ni Nabucodonosor II sa Tiro. Dahil sa pagkabigong ito, inihayag sa sumunod na mga talata sa Ezekiel 29:19-20, na Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking ibibigay ang lupain ng Egipto kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia; at dadalhin niya ang kaniyang karamihan, at kukunin ang samsam sa kaniya, at kukunin ang huli sa kaniya; at magiging kaupahan para sa kaniyang hukbo. binigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto na pinakaganti sa kaniya dahil sa kaniyang ipinaglingkod, sapagka't sila'y nagsipagpagal ng dahil sa akin, sabi ng Panginoong Dios. Ito ay hindi rin natupad dahil hindi nasakop ni Nabucodonosor II ang Ehipto.

Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya

baguhin

Ang Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya ay sinasabing itinayo ni Haring Nabucodonosor II upang palugurin ang kanyang nangungulila sa sariling bayang asawang si Amytis ng Medes na nagnanais ng mga halaman ng kanyang bansang pinagmulan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Anton Nyström, Allmän kulturhistoria eller det mänskliga lifvet i dess utveckling, bd 2 (1901)
  2. Harper, R. F. quoted in Peet, Stephen Denison (editor). 1900. “Editorial Notes,” The American Antiquarian and Oriental Journal. New York: Doubleday, vol. XXII, May and June, p. 207.
  3. Lamb, Harold. 1960. Cyrus the Great. New York: Doubleday, p. 104.
  4. Schrader, Eberhard. 1888. The Cuneiform Inscriptions and the Old Testament. London: Williams and Norgate, p. 48 (footnote).
  5. Chicago Assyrian Dictionary sub Kudurru Ca5'
  6. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-03-15. Nakuha noong 2013-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-03-15 sa Wayback Machine.
Sinundan:
Nabopolassar
Hari ng Babilonya
605 BCE – 562 BCE
Susunod:
Amel-Marduk