Joiakim

Ikalabing walong Hari ng Juda
(Idinirekta mula sa Jehoiakim)

Si Jehoiakim o sa ilang salin ng Tagalog ay Joacim (yehoyaqim, "itatatag ni Yahweh) ay hari ng Kaharian ng Juda at anak ni Josiah(1 Kronika 3:15). Ang kanyang orihinal na pangalan ay Eliakim (`elyaqim, "itatatag ni El (diyos)"). Siya ang kapatid ni Jehoahaz na kahalili sa trono na pinatapon ni Paraon Necho II 2 Hari 23:34. Si Necho II ay tinalo ng hari Babilonya na si Nabucodonosor II sa Labanan ng Karkemish (Aklat ni Jeremias 46:2). Ayon sa Aklat ni Daniel 1:1, sa panhon ni Jehoikim nang kubkubin ni Nabucodonosor II ang Herusalem. Ayon naman sa 2 Hari 24:8-10, sa panahon ni Jehoiachin nang kubkubin ni Nabucodonosor II ang Herusalem. Ayon sa 2 Hari 24:1, si Jehoikim ay naging basalyo ni Nabucodonosor II sa tatlong taon at naghimagsik at pagkatapos ay naghimagsik. Siya ay ay 25 taon ng maging hari ng Juda at naghari ng 11 taon (2 Kronika 36:5).

Jehoiakim o Joacim
Paghahariipinagpalagay na 609–598 BCE
Lugar ng kapanganakanHerusalem
Lugar ng kamatayanHerusalem o Babilonya(depende sa mga talata ng Bibliya)
SinundanJehoahaz kanyang kapatid
KahaliliJeconiah na kanyang anak
Konsorte kayNehushta ayon sa Bibliya
SuplingJeconias
Bahay MaharlikaBahay ni David
AmaJosias
InaZebidah

Kuwento ayon sa Bibliya

baguhin

Sinuportahan ni Paraon Necho II ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim. Si Jehiakim ay naging isang basalyo ng Ehipto at nagbibigay ng tributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na si Jeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ng Kislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ng Kaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias si Zedekias na maging hari ng Kaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban sa Babilonya at nakipag-alyansa sa Paraong si Apries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zedekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan(Jeremias 52:10-14). Ang Herusalem at Templo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong ca. 587/586 BCE(Jer 52:13-14).Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong ca. 539 BCE, pinabalik niya ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon noong 516 BCE. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Petsa ng paghahari

baguhin

Ayon sa ilang iskolar, ang paghahari ni Jehoiakim ay nagsimula pagkatapos ng 1 Tishri 609 BCE[1] at ayon sa ilang iskolar ay bago nito.[2] Kung siya ay nahari pagkatapos ng 1 Tishri 609 BCE, ito ay sasalungat sa Jeremias 46:2 na ang Labanan ng Karkemish ay nangyari sa ika-4 na taon ni Jehoiakim. Ang ilan ay nagmungkahi na ang kronolohiya sa Jerekias(na walang pagkakaktulad sa Aklat ng mga Hari), ay ang paghahari ng mga hari ng Juda ay mula 1 Nisan.[3]Kung siya ay naghari pagkatapos 1 Tishri 609 BCE, ito ay magpapalagay na ang Laban ng Karkemish ay nangyari sa ikatlong taon ng paghahari ni Jehoakim. Kung siya ay naghari bago ang 1 Tishri 609 BCE, ang kanyang paghahari ay magiging 12 taon at hindi 11 taon ayon 2 Kron. 36:5. Ayon sa ilang iskolar, ang kabuuang panahon ng Nahating Kaharian, ang bagong taon sa Juda ay 1 Tishri at ang ilan ay nagmungkahi noong 1 Heshvan at sa panahon ng paghahari ni Jehoikaim, ito ay binago sa 1 Nisan. Ayon sa pagpapalagay na ito, ang ika-5 taon ng paghahari ni Jehoiakim ay tumagal ng 17 buwan. Sa alternatibo, ang ika-6 taon ng paghahari ni Jehoiakim ay tumagal ng 18 buwan. Mula sa ika-7 taon ng paghahari ni Jehoiakim, ang pagpapalagay na ito ay naglalagay sa bagong taon sa Nisan ayon sa mga nagmumumgkahi ng kalaunang petsa. Ito ay isang mahirap na pagpepetsa dahil walang ebidensiya na ang bagong taon sa Juda ay binago mula 1 Tishri o 1 Heshvan sa 1 Nisan. [4]

Kamatayan at sumpa na dahil sa kanyang kasamaan ay walang magmamana niyang binhi na magiging hari ng Juda

baguhin

Ayons a 2 Kron. 36:6, si Jehoiakim ay tinanikalaan ni Nabucodonosor II at binihag sa Babilonya. Bukod sa hindi mababasa sa Kronikang Babilonio, ito ay salungat sa 2 Hari 24:6 na si Jehoiakim ay "natulog kasama ng kanyang mga ama" na nagpapahiwatig ng isang mapayapang kamatayan. Ayon sa Jer. 22:18-19 "Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, na hari sa Juda, Hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah kapatid kong lalake! o, Ah kapatid na babae! hindi nila tataghuyan siya, na sasabihin, Ah panginoon! o, Ah kaniyang kaluwalhatian! Siya'y malilibing ng libing asno, na hihilahin at itatapon sa labas ng mga pintuang-bayan ng Herusalem." Ayon sa Jer 36:29-31, "At tungkol kay Jehoakim na hari sa Juda ay iyong sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyong sinunog ang iskrolyong ito, na iyong sinasabi, Bakit mo isinulat doon, na sinasabi, Tunay na ang hari sa Babilonya ay paririto at sisirain ang lupaing ito, at papaglilikatin dito ang tao at ang hayop? Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, tungkol kay Jehoiakm na hari sa Juda, Siya'y mawawalan ng uupo sa luklukan ni David; at ang kaniyang bangkay sa araw ay mahahagis sa init, at sa gabi ay sa hamog. At aking parurusahan siya at ang kaniyang binhi at ang kaniyang mga lingkod dahil sa kanilang kasamaan; at aking dadalhin sa kanila, at sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa mga tao ng Juda, ang buong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila, nguni't hindi nila dininig."

Ayon naman sa Lumang Tipan, siya ay hinalinhan ng kanyang anak na si Jehoiachin(Jeconias) bilang hari ng Juda.

Sa Bagong Tipan

baguhin

Sa Ebanghelyo ni Mateo 1:11, inalis nito si Jehoiakim ngunit isinama ang anak nitong haring si Jeconias bilang ninuno ni Hesus upang patunayang si Hesus ang mesiyas na mula sa angkan ni David.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Thiele. Mysterious Numbers, Babylonian Chronicles, p. 182
  2. Malamat, Israel
  3. Thiele, Mysterious Number, p. 183
  4. Clines, Regnal Calendar, Zur Chronologie