Si Nabonidus (Kunepormang Babilonyo: (play /ˌnæbəˈndəs/; na nangangahulugang Nabû-naʾid, "si Nabu ay pinuri") ang huling hari ng Imperyong Neo-Babilonya na naghari mula 556 BCE hanggang 539 BCE at tinalo ni Dakilang Ciro ng Imperyong Persiyano.Si Ciro ay pumasok sa Babilonya nang mapayapa at walang digmaang nangyari. Pagkatapos nito, ang Babilonya ay isinama sa Persiyanong Imperyong Akemenida bilang isang satrapiya.

Nabonidus
Si Nabonidus sa Harran Stela
Paghahari25 Mayo 556 BCE – 13 Oktubre 539 BCE
Wikang AkaddianoNabû-naʾid
Kapanganakanc. 620–615 BCE
Lugar ng kapanganakanHarran
KamatayanPosibleng pagkatapos nang 522 BCE[1]
Lugar ng kamatayanCarmania (?)
SinundanLabashi-Marduk
KahaliliDakilang Ciro
(Achaemenid Empire)
Konsorte kayNitocris (?)
(na anak na babae ni Nabuconodosor II) (?)
SuplingBelshazzar
Ennigaldi-Nanna
Ina-Esagila-remat
Akkabuʾunma
Dinastiya?
AmaNabu-balatsu-iqbi
InaAdad-guppi
Si Nabonidus sa isang relief nagpapakita sa kanyang nananalangin sa buwan, araw at kay Venus
Silindrong terracotta cylinder ni Nabonidus na nauukol sa mga pagkukumpuni ng templo ni Sîn, British Museum

Ang mga pinagmulan ni Nabonidus ay hindi malinaw dahil wala siyang kaugnayan sa mga nakaraang hari ng Imperyong Neo-Babilonya. Ipinagpapalagay ng mga iskolar na siya ay nauugnay sa mga haring Babilonya sa pamamagitan ng pagpapakassal sa pamamagitan ng pagkakaraon ng anak na babae na ikinasal kay Nabucodonosor II ( 605–562 BCE). Ang ina ni Nabonidus na si Adad-guppi ay isang Asiryo o Arameo. Ang ama ni Nabonidus na si Nabu-balatsu-iqbi ay maaari ring isang Asiryo o Arameo. Ang ilang mga iskolar ay nagpalagay na ang ama at ina ni Nabonidus ay maaaring kasapi ng Dinastiyang Sarganod na mga pinuno ng Imperyong Neo-Asirya na bumagsak sa mga Babilonyo at Mga Medo noong 609 BCE. Si Nabonidus ay nahirang na hari pagkatapos mapatalsik at pinatay si Labashi-Marduk (naghari 556 BCE). Sa kanyang paghahari, pinalaki niya ang katayuan ng Diyos ng buwan na si Sin (diyos) at binawasan ang katayuan ng tradisyonal na pambansang Diyos ng Babilonya na si Marduk. Ang ilang iskolar na nagmungkahing ninais ni Nabonidus na buong palitan si Marduk ni Sin bilang Pinuno ng Panteon ng Relihiyong Mesopotamiano ngunit ito ay patuloy na pinagdedebatihan. Mula 552 BCE hanggang 543/542 BCE, si Nabonidus ay tumungo sa Tayma sa Arabia sa isang sariling pagpapatapons sa mga hindi alam na kadahilanan at sa panahong ito ang kanyang anak na si Belshazzar ang naging pinuno ng Babilonya bagaman si Nabonidus ang patuloy na kinikilang hari ng Babilonya.

  1. Beaulieu 1989, p. 231.