Relihiyon sa Mesopotamia
Ang relihiyon sa Mesopotamia ay tumutukoy sa mga paniniwalang pang-relihiyon at mga kasanayang panrelihiyon na sinunod ng mga taong Sumeryo at Silangang Semitikong Akkadian, Asiryo, Babilonio at mga Kaldeo na nabuhay sa Mesopotamia (ngayong modernong Iraq at hilagang silangang Syria) na nanaig sa rehiyong ito sa 4,200 taon mula sa ika-4 na milenyo BCE sa buong Mesopotamia hanggang ika-10 siglo CE sa Asirya.
Ang relihiyong sinanay sa sinaunang Mesopotamia ang politeismo sa mga libo libong taon. Ito ay unti unting naglalaho sa pagsisimula ng ika-1 siglo CE sa pagpapakilala ng Silangang Ritong Kristiyanismo gayundin ng Manicheanismo at Gnostisismo na tumagal ng 3 hanggang 4 na siglo hanggang sa ang mga paniniwalang ito ay namatay na na may mga huling bakas nito sa mga ilang pamayanang Asiryo hanggang noong ika-10 siglo CE. Ang Diyos na si Ashur ay sinasamba pa rin sa Assyrian hanggang noong ika-4 siglo CE at ang Ashurismo ay sinanay ng mga menoridad hanggang noong ika-10 siglo CE.
Ang relihiyong Mesopotamiano ay pinaniniwalaan ng mga historyan na isang malaking impluwensiya sa mga kalaunang lumitaw na relihiyon sa buong kasaysayan ng mundo kabilang ang mga relihiyong Cananeo, relihiyong Arameo, relihiyon ng Sinaunang Gresya, mga relihiyong Poeniko gayundin din sa mga kalaunang lumitaw na relihiyong Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Ang mga mitolohiyang Mesopotamiano ay nakaimpluwensiya sa mga kalaunang mitolohiya ng Bibliya gaya ng mito ng paglikha, Adan at Eba, Arko ni Noe, Tore ng Babel, Nimrod at Lilith. Ang mga kuwento ni Moises ay katulad sa kuwento ni Sargon ng Akkad at ang mga kautusan ni Moises ay tumutugma sa mga kodigong pambatas na Asiryo-Babilonio, halimbawa ang batas na "mata sa mata" ni king Hammurabi. Ang mga Israelita ay sinakop ng Imperyong Babilonio noong 587 CE at ipinatapon sa Babilonia. Pinaniniwalaan ng mga skolar na ang Torah at karamihan ng Tanakh o Lumang Tipan ay isinulat pagkatapos ng pagkakabihag ng mga Israelite sa babylonia.
Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang kabilang buhay na isang lupain sa ilalim ng ating mundo. Ito ay kilala number Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nila.
Kasaysayan
baguhinAng tao ng Mesopotamia ay orihinal na binubuo ng dalawang pangkat ng mga tao: ang Silangang Semitikong Akkadian (na kalaunang nakilala bilang mga Asiryo at mga Babilonio) at ang mga Sumeryo. Ang mga taong ito ay hindi orihinal na isang nagkakaisang bansa ngunit mga kasapi ng mga iba't ibang mga siyudad-estado. Noong ika-4 na milenyo BCE nang ang unang ebidensiya ng makikilalang relihiyong Mesopotamiano ang makikita sa pagkakaimbento sa Mesopotamia ng pagsulat noong ca. 3500 BCE. Ang mga Sumeryo ay lumitaw bagaman hindi alam kung sila ay tumungo sa lugar sa mga prehistorikong panahon o sila ang ilan sa mga orihinal na naninirahan dito. Sila ay tuira sa katimugang Mesopotamia na nakilala bilang Sumerya at nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga taong Semitikong Akkadian at kultura nito. Ang mga Sumeryo ay isang napakaunlad na kultura: Bukod sa pag-imbento ng pagsulat, kanilang inimbento ang maagang mga anyo ng matematika, maagang mga sasakyang may gulong, astronomiya, astrolohiya at kalendaryo. Kanilang inimbento ang mga unang siyudad-estado/bansa gaya ng Uruk, Ur, Lagash, Isin, Umma, Eridu, Nippur at Larsa. Ang mga Semitikong Akkadian na pangalan ay unang lumitaw sa mga talaan ng haring Sumeryo sa mga estadong ito noong 2800 BCE. Ang mga Sumeryo na nagsalita ng isang hiwalay na wika ay nanatiling malaking nananaig sa isang pinagsamang kulturang Sumero-Akkadian hanggang sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Akkadian sa ilalim ni Sargon ng Akkad noong 2334 BCE na nagsanhi ng pagkakaisa ng lahat ng Mesopotamia sa ilalim ng isang pinuno. Unti unti, may tumaas na pagsasama sa pagitan ng mga kultura at mga Diyos na Sumeryo at Akkadian. Pinili ng mga Akkadian na sumamba sa mas kaunting mga Diyos ngunit itinaas ang mga ito sa mas malaking mga posisyon ng kapangyarihan. Noong mga 2335 BCE, sinakop ni Sargon ng Akkad ang lahat ng Mesopotamia na nag-isa sa mga Akkadian at Sumeryo sa unang imperyo ng mundo bagaman ito ay gumuho pagkatapos ng dalawang daang taon. Pagktapos ng isang muling pagbuhay ng Sumerya, ang imperyo ay nahati sa dalawang mga estadong Akkadian: Ang Asirya sa hilaga at Babilonia sa timog noong 1894 BCE. Sa isang panahong pagkatapos nito, ang mga Sumeryo ay naglaho na buong isinama sa populasyong Asiryo-Babilonio. Ang Babilonya ay itinatag bilang independiyenteng estado noong 1894 BCE. Noong 1750 BCE, ang Amoreong hari ng Babilonya na si Hammurabi ay sumakop sa karamihan ng Mesopotamia ngunit ito ay gumuho pagkatapos ng kanyang kamatayan dahil sa paglusob ng mga Kassite mula Asya menor na namuno sa Babilonya sa 500 taon.
Ang relihiyon ng imperyong Neo-Asiryo (ca. 911 BCE-608 BCE) na tinatawag na Ashurismo ng mga Asiryo ngayon ay nakasentro sa haring Asiryo bilang hari ng kanilang mga lupain. Ang paghahari sa panahong ito ay nauugnay nang napakalapit sa ideya ng mandato ng Diyos. Ang hari ay kinikilala bilang pangunahing alipin ng pangunahing Diyos na si Ashur. Sa paraang ito, ang kapangyarihan ng hari ay nakikita bilang absoluto hangga't ang Dakilang Saserdote ay muling tumitiyak sa mga tao na ang mga Diyos ay nalulugod sa kasalukuyang haring Asiryo. Si Ashur na patrong Diyos ng siyudad ng Assur mula sa panahong Huling Bronse ay patuloy na nakikipagtunggali sa patrong Diyos ng Babilonya na si Marduk.