Necho II
Si Necho II, kilala rin bilang Nekau, Uahemibra Nekau, o Necao II, ay isang paraon o hari ng ika-26 na dinastiya ng sinaunang Ehipto na naghari mula 610 BCE hanggang 595 BCE at anak ni Psamtik I. Noong bandang 600 BCE, nagpadala siya ng mga pulutong ng barko upang galugarin ang Aprika, kung kailan naglayag ang mga Ehipsiyo sa may silangang dalampasigan at maaaring nakarating sa Kapa ng Mabuting Pag-asa.[1] Kanyang sinuportahan ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim.
Necho II | |
---|---|
Nekau | |
Pharaoh | |
Paghahari | 610–595 BCE (26th dynasty) |
Hinalinhan | Psamtik I |
Kahalili | Psamtik II |
Konsorte | Khedebneithirbinet I |
Namatay | 595 BCE |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Made the First Voyages of Exploration?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Explorers and Pioneers, pahina 110.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.