Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto
Ang Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto o Dinastiyang XXVI ang huling katutubong dinastiya ng Sinaunang Ehipto na pumalit sa Ikadalawampu't limang dinastiya ng Ehipto. Ang dinastiyang ito ay naghari mula 664 hanggang 524 BCE na tinawag na Panahong Saite mula sa lungsod ng Sais kung saan namuno ang mga paraon nito. Ito ang pasimula ng Huling Panahong ng Sinaunang Ehiptp.
Twenty-sixth Dynasty of Egypt | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
664 BCE–525 BCE | |||||||||
Kabisera | Sais, Ehipto | ||||||||
Karaniwang wika | Wikang Ehipsiyo | ||||||||
Relihiyon | Sinaunang relihiyong Ehipsiyo | ||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||
Paraon | |||||||||
• 664–610 BCE | Psamtik I (una) | ||||||||
• 526–525 BCE | Psamtik III (huli) | ||||||||
Kasaysayan | |||||||||
• Naitatag | 664 BCE | ||||||||
• Binuwag | 525 BCE | ||||||||
|
Nang sakuping ng Imperyong Neo-Asirya ang Ehipto sa mga paghahahari ng mga paraon na sina Taharqa at Tantamani, si Psamtik I ay kinilala na nag-iisang paraon ng Ehipto. Si Psamtik ay nakipag-alyansa sa haring Syges ng Lydia na nagpadala ng mga mersenaryo mula Caria at Sinaunang Gresya na ginamit ni Psamtik I upang pag-isahin ang buong Ehipto. Noong 605 BCE, ang puwersang Ehipsiyon sa pamumuno ni Necho II ay lumaban sa Imperyong Neo-Babilonya sa Labanan ng Carcemish sa tulong ng mga nalalabing hukbo ng nakaraang Imperyong Neo-Asirya ngunit sila ay natalo.
Mga paraon
baguhinPangalan | Larawan | Paghahari | Pangalan sa trono | Burial | Konsorte | Komento |
---|---|---|---|---|---|---|
Psamtik I Psammetichus I |
664–610 BCE | Wahibre | Sais | Mehytenweskhet | Pinag-isa ang Ehipto at nagwakas sa kontrol ng mga Nubiano sa Itaas na Ehipto. | |
Necho II | 610–595 BCE | Wehemibre | Khedebneithirbinet I | Binanggit sa Bibliya na pumatay kay Josias sa Megiddo | ||
Psamtik II Psammetichus II |
595–589 BCE | Neferibre | Takhuit | |||
Wahibre Haaibre (Apries) |
589–570 BC E | Haaibre | Pinatalsik at ipinatapon ni Amasis II. Bumalik sa Ehipto bilang pinuno ng hukbong Bbailonya ngunit natalo. | |||
Amasis II Ahmose II |
570–526 BCE | Khnem-ib-re | Sais | Tentkheta Nakhtubasterau |
||
Psamtik III Psammetichus III |
526–525 BC | Ankhkaenre | Naghari lamang ng anim na buwan bago sakupin ng Imperyong Persiyano ni Cambyses II. |