Taharqa
Si Taharqa ang paraon ng Ikadalawampu't limang Dinastiya ng Ehipto at hari ng Kaharian ng Kush na matatagpuan sa Hilagaang Sudan. Siya ang anak ni Piye na haring Nubian ng Napat na unang sumakop sa Ehipto. Siya rin ang pinsan at kahalili ni Shebitku[3] Ang kanyang paghahari ay mula 690 BCE hanggang 664 BCE. Ang ebidensiya ng mga petsa ng kanyang paghahari ay hinango mula sa Serapeum Stela katalogong bilang 192. Ang stelang ito ay nagtatala na ang torong Apis na ipinanganak at inilagay(ika-4 buwan ng Peret araw 9) sa Taong 26 ni Taharq ay namatay sa Taong 20 ng Psammetichus I (ika-4 na buwan ng Shomu, araw 20) na nabuhay ng 21 taon. Ito ay nagbibigay sa paghahari ni Taharqa ng 26 taon at isang praksiyon noong 690-664 BCE.[4] Hayagang isinaad ni Taharqa sa Kawa Stela V, linyang 15 na kanyang hinalinhan si Shebitku sa pahayag na ito: "Aking natanggap ang Korona sa Memphis pagkatapos ang Dumagat (i.e. Shebitku) ay lumipad sa langit".[5] Ayon sa Bibliya, si Hezekias ng Kaharian ng Juda ay nakipag-alyansa kay "Haring" Taharqa ng Kaharian ng Kush(2 Hari 19:9, Aklat ni Isaias 37:9) nang salakayin ni Sennacherib ang Judah sa ikatlong taon ni Sennacherib noong 701 BCE ngunit si Taharqa ay naging hari lamang noong 690 BCE.
Taharqa | |
---|---|
Taharqo, Tirhakah, Tirhaqah, Taharka, Tarakos ni Manetho, Tearco ni Strabo | |
Pharaoh | |
Paghahari | 690 BCE –664 BCE (ika-25 dinastiya) |
Hinalinhan | Shebitku |
Kahalili | Tantamani |
Konsorte | Takahatenamun, Atakhebasken, Naparaye, Tabekenamun[2] |
Anak | Amenirdis II, Ushankhuru, Nesishutefnut |
Ama | Piye |
Ina | Abar |
Namatay | 664 BCE |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. Thames & Hudson. p.190. 2006. ISBN 0-500-28628-0
- ↑ Aidan Dodson & Dyan Hilton, The Complete Royal Families of Ancient Egypt, Thames & Hudson (2004) ISBN 0-500-05128-3, pp.234-6
- ↑ Toby Wilkinson, The Thames and Hudson Dictionary of Ancient Egypt, Thames & Hudson, 2005. p.237
- ↑ Kitchen, p.161
- ↑ Kitchen, p.167