Shebitku

paraong Ehipsiyo

Si Shebitku o Shabatka ay ang ikatlong paraon ng Ikadalawampu't limang Dinastiya ng Ehipto na namuno mula 707/706 BCE -690 BCE ayon sa pinakakamakailang pagsasaliksik na akademiko ni Dan'el Kahn ng inskripsiyongTang-i Var.[3] Siya ang pamangkin at kahalili ni paraon Shabaka. Siya ay anak ni Piye na tagapagtatag ng ika-25 dinastiya. Ang prenomen ni Shebitku na Djedkare ay nangangahulugang "Tumatagal ang Kaluluwa ni Re". [4]

Pamumuno

baguhin

Sa panahon ng paghahari ni Shebitku ay may simulang patakaran ng konsilyasyon sa Asirya na nagmamarka ng pormal na ekstradisyon kay Iamanni pabalik sa mga kamay ni Sargon II. Gayunpaman, pagkatapos ng kamatayan ni Sargon II, si Shebitku ay kumuha ng isang ibang patakaran na aktibong sumasalungat sa anumang pagpapalawig na Asiryo sa Canaan sa ilalim ng anak na lalake at kahalili ni Sargon na si Sennacherib. Ang isang stela mula sa Kawa ay nagsasalaysay na hiniling ni Shebitku ang kanyang mga kapatid na lalake kabilang si Taharqa na maglakbay pahilaga sa Thebes mula sa Nubia. Ang hukbong Nubian ay naglakbay kasama ni Taharqa na ipinagpapalagay na upang labanan ang mga Asiryo sa labanan sa Eltekh noong 701 BCE. Ang isa pang stela ay nagtatala na nang atakihin ng mga Asiryo ang Herusalem, ang hari ng Kush ay nagmartsa laban kay Sennacherib. Si Shebitku ay sumali sa pagsalungat laban kay Sennacherib at ang isang hukbong Ehipsiyo ay ipinadala sa Palestina na pinamunuan ng kapatid ni Shebitku na si Taharq. Kinumpleto rin ni Shebitku ang pagpapalamuti ng Templo ni Osiris sa Thebes sa kanyang paghahari. Ang Templo ay itinayo sa ilalim ni Osorkon III. Si Shebitku ay namatay noong 690 BCE.

Mga sanggunian

baguhin
  1. R. Krauss and D.A. Warburton, "Chronological Table for the Dynastic Period" in Erik Hornung, Rolf Krauss & David Warburton (editors), Ancient Egyptian Chronology (Handbook of Oriental Studies), Brill, 2006. p.494
  2. Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. Thames & Hudson. p.190. 2006. ISBN 0-500-28628-0
  3. Kahn, Dan'el. "The Inscription of Sargon II at Tang-i Var and the Chronology of Dynasty 25", Orientalia 70 (2001), pp.1-18
  4. Peter Clayton, Chronicle of the Pharaohs, Thames and Hudson Ltd, paperback 2006. p.190