Shabaka
Si Shabaka (Shabataka) o Shabaka Neferkare, 'Maganda ang Kaluluwa ni Re', ay isang paraon na Kushite ng Ikadalawampu't limang Dinastiya ng Ehipto sa pagitan ng 721 BCE-707/706 BCE.[3] Siya ay pinaniniwalaang anak ni King Kashta at Pebatjma bagaman ang isang teksto mula sa panahon ni Taharqa ay maaaring pakahulugan na si Shabaka ay kapatid ni Taharqa at kaya ay anak ni Piye. Ang reynang konsorte ni Shabaka ay si Qalhata ayon sa mga rekord na Asiryo na isang kapatid na babae ni Taharqa. Sina Shabaka at Qalhata ay mga magulang ng Haring Tantami at malamang ay mga magulang rin ni Haring Shebitku. Posibleng si Reyna Tabkenamun ay asawa ni Shabaka. Ang anak ni Shabaka na si Haremakhet ay naging Dakilang Saserdote ni Amun at alam mula sa isang estatwa at isang pragmento ng isang estatwang natagpuan sa Karnak. Ang isang babaeng pinangalanang Mesbat na binanggit sa sarkopago ni Haremakhet ay maaaring ang kanyang ina. Si Shabaka ang ama ng hindi bababa sa dalawa pang mga anak ngunit ang pagkakakilanlan ng kanilang ina ay hindi alam. Si Piankharty ay kalaunang naging asawa ni kanyang kalahating kapatid na lalakeng si Tamtamani. Siya ay pinapakita sa Stelang Panaginip kasama niya. Malamang na pinakasalan rin ni Isetemkheb si Tantamani as well.
Shabaka | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | 721 BCE –707/6 BCE (25th Dynasty) |
Hinalinhan | Piye |
Kahalili | Shebitku |
Konsorte | Qalhata, Mesbat, possibly Tabekenamun |
Anak | Tantamani, Haremakhet, Piankharty, Isetemkheb[2] |
Ama | Kashta |
Ina | Pebatjma |
Namatay | 707 o 706 BCE |
Libingan | el-Kurru |
Monumento | Shabaka Stone |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ [1] King Shabako
- ↑ Aidan Dodson & Dyan Hilton: The Complete Royal Families of Ancient Egypt. Thames & Hudson, 2004, ISBN 0-500-05128-3 p.237
- ↑ R. Krauss and D.A. Warburton, "Chronological Table for the Dynastic Period" in Erik Hornung, Rolf Krauss & David Warburton (editors), Ancient Egyptian Chronology (Handbook of Oriental Studies), Brill, 2006. p.494