Si Tantamani (Sinaunang Ehipsiyo: tnwt-jmn, Wikang Neo-Asiryo: tanṭammanē, Sinaunang Griyego: Τεμένθης Teménthēs),[1] na kilala rin bilang Tanutamun o Tanwetamani (namatay noon g 653 BCE) ay isang paraon ng Sinaunang Ehipto at Kaharian ng Kush sa Sudan at kasapi ng Ikadalawampu't limang dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang pangalan sa trono ay Bakare na nangangahulugang "Marangal ang Kaluluwan ni Re."[2]

Tantamani
Hari ng Kaharian ng Kush sa Napata

Tantamani ng Ikadalawampu't limang dinastiya ng Ehipto, Pambansang Museo ng Sudan
Sinundan Taharqa
Sumunod Atlanersa
Asawa Piankharty, [..]salka, possibly Malaqaye,
Anak Posibleng Atlanersa, Queen Yeturow, Queen Khaliset
Buong pangalan
Tantamani
Ama Shabaka (o Shebitku?)
Ina Reyna Qalhata
Libingan El-Kurru (K. 16)


Portrait of Tantamani, Sudan National Museum.
Ashurbanipal's account of his Second Sampaign in Egypt against Tantamani ("Urdamanee"/ "Ruddamon"), in the Rassam cylinder

Padron:Hiero/1cartouche Sa sandaling pagkatapos na hirangin ng Imperyong Neo-Asirya si Necho I bilang hari, sinakop ni Tantamani ang Ehipto sa pag-asang ibalik ang kanyang pamilya sa trono. Si Tantamani ay nagmartsa sa Nilo mula sa Nubia at muling sinakop angn Ehipto kabilang ang Memphis, Ehipto kung saan ang representatibo ng mga Asiryo ay pinatay. Ito ay humantong sa bagong alitan kay Ashurbanipal noong 663 BCE. Bumalik ang mga Asiryo sa pamumuno ni Ashurbanipal sa Ehipto na may puwersa. Kasama ng hukbo ni Psamtik I kabilang ang mga mersenaryong Cariano, sila ay nagharap sa laban sa hilaga ng Memphis malapit sa templo ni Isis sa pagitan ng Serapeum at Abusir. Natalo si Tantamani at tumakas sa Itaas na Ehipto.Pagkatapos ng apatnapung araw ng labanan, ang hukbo ni Ashurbanipal ay dumating sa Thebes, Ehipto. Iniwan na ni Tantamani ang lungsod tungo sa Kipkipi na isang lokasyon na hindi pa rin matiyak ngunit maaring ang Kom Ombo, mga 200 km (120 mi) timog ng Thebes.[3] Ang lungsod ng Thebes ay winasak at inubos. Ito ay hindi binanggit sa mga sangguniang Ehipsiyo ngunit binanggit sa mga rekord ng Imperyong Neo-Asirya.[4] Ninakaw ng mga Asiryo sa Thebes ang mga ginto, mahahalagang bato, mga damit, mga kabayo, mga pantastikong hayop at dalawang obelisk na natatakpan ng electrum na tumitimbang na 2.500 talento (c. 75.5 tonelada o 166,500 libra):[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "URdammaniʾ [TANUTAMON, PHARAOH OF EGYPT] (RN)". Oracc: The Open Richly Annotated Cuneiform Corpus.
  2. Clayton, Peter A. (1994). Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. London: Thames and Hudson. p. 190. ISBN 0-500-05074-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Kahn 2006, p. 265.
  4. Robert G. Morkot: The Black Pharaohs, Egypt's Nubian Rulers, London ISBN 0948695234, p. 296