Fabian Dayrit
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Hulyo 2009) |
Si Fabian Millar Dayrit (1953 – ) ay nakapagsulat sa maraming lokal at panadaigdigang publikasyon tungol sa mga gamot mula sa halaman. Nakatanggap siya ng parangal tulad ng Presidential Lingkod Bayan for Government Service noon 1988, Outstanding Young Men of the Philippines, in the field of Chemistry noong 1993, Achievement Award in Chemistry Education at NAST Award for Best Paper noong 1995.
Mas kilala sa katawagang "Toby", siya ay ikatlong anak nina Conrado Dayrit (pharmacologist) at Milagros Millar. Siya ay ipinanganak noong Disyembre 4, 1953.
Isang tunay na Atenista si Toby dahil mula elementarya hanggang kolehiyo ay sa Pamantasang Ateneo de Manila siya nag-aral. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Chemistry taong 1957, cum laude. Isa siya sa nanguna sa sa Chemistry Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC). Nakatanggap rin siya ng scholarship sa Unibersidad ng Princeton, kung saan siya nakapagtapos ng kanyang Master's at Doctorate Degrees (1981), specializing in organometallic chemistry (transient metals used to catalyze chemical reactions).
Napag-aralan ni Toby, kasama ang kanyang adviser na si Dr. Jeff Schwartz, ang tungkol sa prostaglandins, ang nagsisilbing tatak ng pamamaga sa katawan. Ang kanilang mga natuklasan ukol sa komposisyon at mekanismo ng prostaglandins ay nalathala sa Journal of the American Chemical Society, Journal of Organic Chemistry at Pure and Applied Chemistry. Ito ang naging basehan ng Merck, isang malaking gawaan ng mga gamot sa Amerika, upang bumuo ng ilang gamot.
Sa pagbabalik ni Toby sa Pilipinas, taong 1982, ay ipinagpatuloy niya ang pananaliksik lalong higit tungkol sa Lagundi (Vitex negundo, Dantan sa Ifugao, Dangla sa Ilokano, Huang Ching o five-leaves chaste tree sa Tsino) na itinuturing ni Toby na "wonder plant" dahil sa mga sumusunod:
- Dahon
- – gamot para sa ubo at sipon, maaaring ilaga ang dahon ng Lagundi, dagdagan ng luya at calamansi at inumin bilang tsaa panggamot sa ubo at sipon.
- – panlinis sa galis at sugat
- – panlaban sa pamamaga ng mga kasu-kasuan (joints); at
- – gawing aromatic para sa pausok-paligo.
- Ugat
- – mainam inumin (tonic) pampalabas ng plema (expectorant); at
- – sa pulbos nitong porma ay inihahatollaban sa almoranas (hemorrhage), di-matunawan (constipation) at ketong (leprosy).
- Bulaklak
- Buto
- Prutas / Bunga
- Katas na Langis
Isa pang halamang pinagtuunan ng pansin ni Toby ay ang punong Cinchona (family Rubiaceae; "quina-quina" para sa mga Indian ng Andes;). Dinala ang mga punong ito dito sa atin ng mga Kastila at inalagaan ng mga Amerikano. May pitong uri nita ang matatagpuan sa Bundok ng Kitanglad sa Bukidnon (C. /edgeriana, C. officina/is, C. tjinjoroena, C. hybrida, C. calisaya, C. katarmanah at C. succirubra).
Ang balat nito ay kilala bilang gamot laban sa malaria. Ang quinine ang pinakakilalang sUbstansya na nakukuha mula sa Cinchona. Ang 60% ng balat nita ay ginagamit sa paggawa ng mga gamot, samantalang ang 40% pa ay ginagamit sa paggawa ng mga inumin (tonic water).
Idagdag pa rito, napag-alamang nakatutulong din ang quinine para protektahan ang mga laman ng katawan (tissues) laban sa pagkasira nita sa oras ng pamamaga. At mainam ding pantulong gamot laban sa trangkaso at iba pang sakit (neuralgia at debility). Mahusay din itong pangmumog (gargles) para sa masakit na lalamunan.